Friday , November 15 2024

PRESDU30 balak daw patalsikin?

SINABI mismo ni PRESDU30 na may nagbabalak daw magpatalsik sa kaniya. Aniya, ang may plano daw nito ay ang mga “YELLOW” dahil sila ang may ganitong klase ng laro. Obviously, ang tinutukoy niya rito ay ang Liberal Party na partido ng dating pangulo na si Noynoy Aquino.

Sa isang pahayag kay Vice President Leni Robredo ay pinabulaanan niya ito. Ganoon din si Sen. Franklin Drilon, itinanggi niya na planong patalsikin ng LP si PRESDU30, kahit hindi naman direktang sinabi ni PRESDU30 na ang ibig niyang sabihin sa “YELLOW” ay Liberal Party.

PING LACSON NAGBIGAY
NG ADVICE KAY PRESDU30
AT SA MALACAÑANG OFFICIALS

Noong Miyerkoles, binigyan ng advice ni Sen. Ping Lacson si PRESDU30 at ang kaniyang communication team na mag-ingat sa mga ibinibigay na policy statements sa publiko.

Aniya, at risk ang credibility ng ating bansa sa mga paiba-ibang statement, lalo kung ang mga nanonood ay mga taga-ibang bansa.

Sinabi rin niya na “Anything that comes out of President Duterte’s mouth is considered a policy and is final.”

Bukas palad namang tinanggap ni Sec. Martin Andanar ang advice ng senador. At sinabing pinagtratrabahuhan na nilang ma-improve ang kanilang collective communications policy.

COLOR CODING
BALAK NA I-ABOLISH!

Ang Department of Transportation (DOTr) ay pinaplano nang tanggalin ang color coding. Sila ay nagkaroon ng pag-aaral hinggil dito. At base sa pag-aaral na kanilang ginawa, hindi talaga masyadong epektibo ang color coding upang maibsan ang problema sa traffic.

Ayon kay DOTr Usec. Anne Lontoc, lumalala pa ang traffic dahil sa color coding. Sapagkat ang ibang tao ay bumibili ng pangalawang sasakyan, mura or segunda mano man, nang sa ganoon ay kanilang magamit kung ang isang sasakyan nila ay color coding. Worst, sabay- sabay pang gagamitin ang mga sasakyan sa araw na pareho itong hindi color coding.

Kaya ang resulta, domodoble pa ang bilang ng sasakyan sa kalsada.

Isinusulong ngayon ng DOTr ang option sa pagsakay na lamang sa mass transport. Ito ay mga komportableng bus na may point to point services, na darating at aalis on time, puno man o hindi ang bus.

Naniniwala ang DOTr na kung mas marami ang pipili na mag-bus, mas kokonti na ang sasakyan sa kalsada at mababawasan na ang traffic.

WALANG EXEMPTED
SA PAGBABAYAD NG TAX!

Sinabi ni PRESDU30 sa kaniyang talumpati noong Martes sa Villamor Airbase na hindi siya interesadong i-waive ang kahit sino sa pagbabayad ng kanilang tax.

Idiniin din niya na ang mayayaman na tao ay dapat magbayad nang tamang buwis.

Kasalukuyang ipinaaayos ni PRESDU30 ang kompletong listahan ng mga mayayaman na tao na ito. Paalala niya na magbayad sila ng buwis dahil kung hindi, paiimbitahan niya para matanong.

At kung hindi pa madala, magpapadala na raw siya ng pulis upang sila mismo ang magpaintindi.

MGA KUWENTO NI MRS. ONG – Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *