INATASAN ng korte ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na dakpin ang isang kilalang beauty surgeon ng kilalang mga celebrity dahil sa kinakaharap na kasong kriminal.
Sa ipinalabas na alias warrant of arrest ni Judge Imelda Porte-Saulog ng Mandaluyong City RTC Branch 214, bukod sa NBI ay pinakikilos din ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP upang madakip si Dr. Joel Mendez, ang president at may-ari ng Mendez Medical Group, na nakabase sa SM Megamall sa Mandaluyong City.
Kabilang sa mga kaso laban kay Mendez na nakabimbin sa nasabing korte ay isang attempted rape at dalawang kasong panghahalay.
Sa rekord ng korte, naganap ang sinasabing panghahalay ni Dr Mendez sa isang 17-anyos estudyante ng kilalang unibersidad sa Lungsod ng Maynila, na naging endorser ng Mendez Medical Clinic.
Ayon sa complainant, dakong 7:30 hanggang 8:30 pm noong Setyembre 29, 2015 nang maganap ang panghahalay sa kanya ni Mendez.
Nasa loob aniya siya ng klinika at sumasailalim sa procedure nang pumasok si Dr Mendez, nilagyan siya ng rubbing cream sa buong katawan hanggang sa kanyang ari ngunit ipinasok ng respondent ang daliri sa kaselanan ng biktima
Naghubad din aniya ng kasuotan ang naturang doctor saka siya pinatungan na tumigil lamang nang siya ay sumigaw sa loob ng klinika.
Ayon sa complainant, siya ay kinuhang endorser ni Dr. Mendez at isa sa mga pribilehiyo niya bilang endorser ay isang-taon na libreng serbisyo para sa pagpapaganda.
Nagtakda ng tig-P120,000 piyansa ang korte para sa kasong attempted rape at dalawang kasong panghahalay o kabuuang P360,000.
( LEONARD BASILIO )