Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

14-anyos dalagita niluray ng kapitbahay

CAMP OLIVAS, Pampanga – Paika-ika ang isang 14-anyos dalagita nang samahan ng kanyang ina sa San Simon Police Station upang ireklamo ang lasing na kapitbahay na ilang ulit gumahasa sa biktima sa Brgy. San Agustin, bayan ng San Simon kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat ni Chief Inspector Jose Charlmar F. Gundaya, hepe ng San Simon Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, PRO3 OIC director, agad nasakote ang suspek na si Ramrod Jaspe, 27, sinasabing ilang buwan pa lamang namamasukan bilang poultry caretaker sa na-sabing barangay.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Mary Jane T. Genobili, nabatid, dahil sa pagod sa pag-aaral, agad naka-tulog ang dalagita ngunit dakong 1:00 am nagising habang kinakalikot ng suspek ang kanyang kaselanan.

Nagtangkang pumalag ang biktima ngunit tinakpan ng suspek ang kanyang bibig at sinabing papatayin siya kapag sumigaw, hanggang paulit-ulit siyang ginahasa ng lalaki.

Ayon sa ina, hindi nila namalayang nakapasok sa kanilang bahay ang lasing na kapitbahay.

( LEONY AREVALO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …