Monday , December 23 2024

Suspek sa planong pagpatay kay PresDu30 nakatakas

NITO lang Sabado, pinangunahan ni Chief Director General Ronald Dela Rosa ang imbestigasyon sa pagtakas ng suspect sa umano’y planong pagpatay kay PRESDU30.

Ang gun supplier na si Bryan Ta-ala at ang kaniyang gun runner na si Wilford Palma ay umalis sa hospital sa Bacolod City, na naka-confine ang una dahil sa hypertension.

Habang nasa ospital si Ta-ala, si Palma na nasa Headquarters ng Camp Crame ay inamin na nag-supply sila ng mga parte ng baril sa isang grupo na may planong patayin ang Pangulo.

Naaresto sina Ta-ala at Palma noong August 6. Ngunit si Ta-ala ay nakapagpiyansa at pinayagan makaalis sa hospital.

VICE MAYOR NG MAGUINDANAO ARESTADO

Si Abdulwahabal Sabal, kasalukuyang vice mayor ng Talitay ay naaresto na. Ito ay kinompirma ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon sa kaniya, ang naturang bise mayor ay kasama sa “narco list” ni PRESDU30.

Si Sabal ay naka-detain ngayon sa Camp Crame at naisalang na sa inquest proceedings.

Siya at ang kaniyang kapatid na si Montasir Sabal, Mayor naman ng Talitay ay parehong nasa “narco list” ni Pangulong Digong. Ang nasabing listahan ay inilabas ni PRESDU30 nitong August.

PCG KINANSELA ANG COASTAL CLEAN UP

Sinabi na ng Philippine Coast Guard Auxilliary (PCGA) na hindi na matutuloy ang International Coastal Clean Up, na magaganap sana sa darating na Sabado.

Ito ay naudlot dahil sa kasalukuyang banta sa seguridad ng ating bansa. Ang desisiyon ng PCGA ay kasunod ng pagdedeklara ni PRESDU30 ng state of national emergency.

Kasalukuyang naka-full alert ang Philippine Coast Guard kasama ang Maritime Police at Philippine Navy matapos ang naganap na pambobomba sa Davao City.

TAGAYTAY TRAFFIC ‘PAG HOLIDAY!

Ang Tagaytay City ay sikat talaga na pasyalan sa bansa, bukod sa malapit sa Manila, maraming tao ang naeengganyo pumunta rito dahil sa malamig na klima.

Ngunit kapansin-pansin, na kapag long weekend o holiday, talagang grabe ang traffic dito. Ang kadalasang biyahe na 10 minutes mula sa aming bahay papunta sa aking maliit na negosyo ay inaabot hanggang 30 minutes o higit pa tuwing holiday.

Napaisip tuloy ako na talagang napakalala ng problema sa traffic dahil pag bakasyon, napupunta ang traffic dito sa maliit na lugar ng Tagaytay.

Idagdag pa natin, na nagkaroon na rin ng mga mall dito at patuloy na madaragdagan pa. Dito rin sa Tagaytay dumaraan ang ibang transportasyon pupuntang Batangas.

Maganda para sa turismo ng Tagaytay ang mga mall. Pero sana habang maaga pa lang ay mapag-isipan kung paano mabibigyan ng solusyon ang traffic tuwing sasapit ang holiday o long weekends.

MGA KUWENTO ni Mrs. Ox – Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *