TINATAYANG aabot sa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa 200 bahay sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat ng Manila Fire Department, nabatid na dakong 8:35 pm nang magsimulang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na bahay ng isang Maritess Abanes sa Atlanta Street, sakop ng Brgy. 651, Zone 68.
Umabot ng Task Force Alpha ang sunog na idineklarang under control dakong 10:14 pm.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy na mabilis na kumalat sa mga kalapit bahay na pawang gawa sa light materials.
Anim residente ang iniulat na bahagyang nasugatan at nasaktan sa sunog na tuluyang naapula dakong 4:05 am kahapon.
Tinatayang aabot sa P6 milyon ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy.
( LEONARD BASILIO )