Friday , November 15 2024

PUP president dapat bumaba sa puwesto (Sa utos ni Duterte)

091016-pup-rali-protest
BARIKADA PARA SA PAGBABAGO. Dapat bumaba sa puwesto si Polytechnic University of the Philippines (PUP) president Emanuel de Guzman, dahil bukod sa mga iregularidad, naglabas ng Memorandum No. 4 si Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos na umalis ang mga public official na itinalaga noong nakaraang administrasyon kabilang ang mga opisyal ng state universities and colleges (SUCs). Iginigiit ito ng Kilusang Pagbabago PUP at youth sector nitong Duterte Youth for Change sa kanilang barikada. (JOANA CRUZ)

ISANG barikada ang itinayo ng Kilusang Pagbabago – PUP at ang Duterte Youth for Change kasama ang ilang propesor at estud-yante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa main entrance ng unibersidad kamakalawa ng hapon, para paalalahanan ang pangulo ng unibersidad na bumaba sa puwesto.

Sa nasabing protesta, ipinawagan ng mga guro at estud-yante na bakantehin ni Emanuel De Guzman ang kanyang posis-yon alinsunod sa Memorandum No. 4 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan, na nag-uutos na umalis ang mga public official na itinalaga noong nakaraang administrasyon kabilang ang mga opisyal ng state universities and colleges (SUCs).

Bukod sa memorandum ni Duterte, muling inihayag ng mga guro at mag-aaral ang iregularidad na nangyayari sa loob ng paaralan, sa ilalim ng pamumuno ni De Guzman.

“Walang ventilation ang mga classroom, at pinagkakasya ang mahigit 50 estudyante sa kuwartong 25-30 lang ang kapasidad,” ani Leopoldo Bragas, pangulo ng Kilusang Pagbabago at dating dean ng College of Business Administration.

Bukod sa kakulangan sa pasilidad na hindi pinaglalaanan ng badyet ni De Guzman, malakas ang pamomolitika sa loob ng unibersidad.

“May Instructor 1 na ini-promote niyang dean, kahit hindi qualified,” hinanakit ni Bragas. “No’ng kinompronta ako, inalis ako bilang dean ng College of Business Administration.”

Sa kalagitnaan ng protesta, hinarangan ng isang security guard ang mga estudyante na nagtatangkang sumali sa protesta, ayon kay Propesor Ferdinand Bondame, isa sa mga emple-yadong humihiling ng ‘pagbabago.’

“Pinagbabantaan ang mga estudyante na hindi sila ga-graduate kapag sumali sila sa protesta,” ani Bondame.

Samantala pinayuhan ni Cabinet Secretary Jun Evasco ang grupo na ipakitang pursigido silang pababain si De Guzman, bilang tugon sa isyu tungkol sa iregularidad sa paaralan na nauna nilang idinulog sa opisina ni Duterte noong Hulyo.

nina Joana Cruz at Kimbee Yabut

About Joana Cruz Kimbee Yabut

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *