MAKUKULONG nang habambuhay ang anim responsable sa isang malaking drug case sa bansa noong 2013.
Sa promulgation ng Olongapo Regional Trial Court Branch 75, guilty ang naging hatol ng korte sa mga personalidad na naaktohang nagde-deliver ng shabu na nagkakahalaga ng P2 bilyon sa Subic.
Kabilang sa mga napatunayan sa kasong drug possesion at transportation sina Joselito Escueta, Coronel Desierto, Emmanuel Erwin Tobias ng Pasay City; Dennis Domingo ng Antipolo City, Rizal; Romeo Soriano Manalo, at Albert Chin ng Mendez, Cavite.
Matatandaan, nagsagawa nang pagsalakay ang mga awtoridad sa Sta. Monica Subdivision, Brgy. San Isidro, Subic, Zambales noong Agosto 2013 at naaktohan ang mga suspek na ikinakarga sa van ang kilo-kilong high grade shabu.
( LEONARD BASILIO )