Monday , December 23 2024

5 patay sa police ops sa Maynila

LIMA ang patay sa police operations sa Maynila kabilang ang tatlong lumaban sa drug buy-bust at dalawang holdaper na sinita ng nagpapatrolyang mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa lungsod.

Napatay si Noel Aguili-ngan alyas Nognog habang ang dalawa niyang kasama ay naaresto sa ikinasang drug operation ng Station Anti-Illegal Drugs Division ng Manila Police District Station 11 sa Gate 46, Parola Compound.

Kasunod na napatay ng mga pulis si Amiel Basilio, 40, sa buy-bust operation sa kanyang bahay sa Yakal St., Sta. Mesa, Maynila.

Napatay rin ng mga pulis ang hinihinalang tulak na si Paul Dumagas, 37, sa Sta. Cruz, Maynila.

Samantala, dakong 3:30 am sa C. Ayala St., Brgy. 672, Malate, nagpapatrolya ang Tactical Motorcycle Riders (TMR) ng Arellano Police Community Precinct, nang makita ng mga pulis ang da-lawang hinihinalang mga holdaper sa madilim na bahagi sa tapat ng Unit 1049-8 C. Ayala Townhomes.

Tinungo ng mga pulis ang lugar ngunit sinalubong sila ng putok ng mga suspek.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek na hindi pa nakikilala.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Julyn Formaran )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *