Friday , November 15 2024

Pagbuhay sa BNPP ligtas ba o mapanganib?

090816-mauro-marcelo-bnpp
IPINALILIWANAG ni Engineer Mauro Marcelo Jr., isa sa mga orihinal na inhiniyero ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) mula pa noong 1977, na ang nuclear energy ang nag-iisang paraan upang bumaba ang singil ng elektrisidad sa bansa. (BONG SON)

NANINIWALA si Engineer Mauro Marcelo Jr., isa sa mga orihinal na inhiniyero ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) mula pa noong 1977, na ang nuclear energy ang nag-iisang paraan upang bumaba ang singil ng elektrisidad sa bansa.

Sa media briefing na pinangunahan ng Department of Energy (DOE) sa Taguig, sinabi ni Marcelo na, “uclear energy is the safest in the industry.”

Aniya, kompara sa 90 kamatayan sa pagkakaaberya ng nuclear energy ay daan-daang libo na ang namatay dahil sa coal energy.

“’Yang 90 ay ‘yong nangyari sa Chernobyl,” paliwanag niya. “Kapag wala ‘yan ay zero ang casualty.”

Sa kanyang pag-aaral sa nuclear energy, sinabi ni Marcelo na ang isang “load” o 20 tonelada ng uranium ay maaaring pagkunan ng enerhiya ng buong bansa sa loob ng 18 buwan sapagkat isang gramo pa lang nito ay punong-puno na ng enerhiya.

Bagama’t ang Filipinas ay isang “young archipelago,” mayaman sa uranium ang bansa. Bukod sa uranium reserves ay mayroong 4.5 bilyong tonelada ng “extractable” uranium sa mga karagatan sa bansa kaya imposibleng magmahal ang presyo nito, ayon kay dating Pangasinan Representative Mark Cojuangco, na siyang nagpanukala ng Bill 4631 na naglalayong buhayin ang BNPP. Kung magkulang man sa uranium, saad ni Cojuangco, maaaring gamiting alternatibo ang elementong thorium na apat na beses ang lakas sa uranium.

Kung ikokompara, tatlong tonelada ng coal ang kakailanganin upang matumbasan ang enerhiyang kayang likhain ng isang gramo ng uranium. Kung iisipin, mas praktikal ang paggamit ng nuclear energy, dagdag niya.

Ayon kay Cojuangco, kinakailangan ng ilang barko para mai-transport ang coal para sa paglikha ng enerhiya, samantala, iisang maliit na eroplano lamang ang kailangan para sa isang load ng uranium. Kung magkataong magkaroon ng conflict sa Philippine West Sea, aniya, mas madaling maililipat ang nuclear fossil kaysa coal.

Nababawasan ang carbon dioxide emissions sa paggamit ng nuclear energy, ngunit ang ipinag-aalala ng ambassador ng Spain na si Anna Ugarte, ang paglalagyan ng uranium kapag tapos na itong gamitin.

Ang uranium na gagamitin sa BNPP ay papalitan kada 18 buwan at 98% noon ay maaari pang gamitin makaraan ang nasabing bilang ng buwan.

“Ngunit kung kailangan nang i-dispose,” sabi ni Cojuangco, “Ibabaon ito sa hukay na 1 kilometer-deep at wala itong mapipinsala.”

Isa sa mga pangunahing problemang posibleng makaharap ng BNPP ay mga natural na kalamidad tulad ng lindol at pagsabog ng bulkan, ngunit sinisiguro ni Marcelo na ang Mt. Natib, ang bulkang malapit sa BNPP, ay itinuturing na “dead volcano” sapagkat 70,000 taon na ang nakalipas simula nang huling pagsabog.

Bukod doon, paliwanag ni Marcelo, idinisenyo ang BNPP na hindi matibag ng magnitude 8 na lindol.

Aniya, wala siyang nakikitang disbentaha ng nuclear energy.

Kasama ang DOE, kompiyansa si Marcelo na magiging maayos ang daloy ng operasyon ng BNPP kung sakaling buksan ito dahil higit 30 taon nang ginagamit ng Slovenia ang “sister power plant” ng BNPP sa Krsko.

Samantala, bukod sa mga press conference na isinasagawa ng DOE upang isulong ang “awareness” sa nuclear energy, bubuksan ang BNPP sa publiko.

Habang nasa ilalim ng pag-aaral ang pagbuhay sa BNPP, hinihingi ng DOE ang tulong ng media upang ipakalat ang anila’y tamang impormasyon.

nina Joana Cruz at Kimbee Yabut

About Joana Cruz Kimbee Yabut

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *