Friday , November 15 2024

Murder vs Tanto inihain

PINAKAKASUHAN ng murder ng DoJ ang road rage suspect na si Vhon Martin Tanto.

Sa walong pahinang resolusyon na pirmado nina Prosecutor General Claro Arellano at Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, kasong murder at serious physical injury ang nakatakdang isampang kaso laban kay Tanto.

Si Tanto ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde at pagkasugat sa 18-anyos estudyanteng si Roselle Bondoc.

Si Tanto ay nakakulong sa Homicide Section ng Manila Police District makaraan sumuko sa mga awtoridad noong Hulyo 29 sa Masbate.

Binigyang bigat ng prosecution panel ang pag-amin ni Tanto sa krimen.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *