SIMULA nang lisanin ang kanyang eskuwelahan at itigil ang kanyang pag-aaral sa edad na 16-anyos para simulan ang una niyang negosyo, napangasiwaan na ni Virgin Group founder Richard Branson ang daan-daang kompanya at nakalikom ng humigit-kumulang sa li-mang bilyong dolyar.
Sa ngayon, maaari nang magretiro ang self-made billionaire—ngunit malayo sa kaisipan ng 66-anyos na si Branson ang pagtigil sa kanyang kinalakihang gawain.
“I don’t believe that retirement should be the goal,” kanyang inilagay sa kanyang blog post kamakailan.
Nagbigay inspirasyon kay Branson sa kanyang kakaibang perspektibo ang British philosopher na si Alan Watts.
Sa mga aral ni Watts, sinabi niya bilang payo sa mga taong umaasam ng masayang pamumuhay na huwag ituring ang kanilang buhay na isang paglalakbay.
Ayon sa pilosopo, ang paglalakbay ay mayroong destinasyon o isang uri ng pagdating—pero walang ‘bagay’ na epikong dumara-ting sa buhay.
“He explains that traditional systems of education have skewed the meaning of life (towards arriving at a destination) by pla-cing too much importance on progressing through school and college to a career,” isinulat ni Branson sa kanyang blog post.
“And makes his point by saying that far too many people live to retire and therefore cheat themselves of an exci-ting existence,” dagdag niya.
Ito ang dahilan kung bakit naniniwala ang bilyonaryong si Branson na hindi dapat itakda ang pagreretiro bilang layunin sa buhay
“Instead, I think happiness should be,” aniya.
“I’ve never thought (of) work as work and play as play; to me, it’s all living and learning. The way I see it, life is all about striving and growing. I never want to have made it; I want to continue making it!”
ni Tracy Cabrera