NAPAGKASUNDUAN ng inter-agency committee na binubuo ng Bureau of Customs, DFA, DENR at DoJ na ipadala pabalik sa Ca-nada ang tone-toneladang basurang inimport ng Chronic Plastics Inc. noong 2013.
Sa pahayag ng BoC, bukod sa port congestion, lubhang peligroso sa kalusugan ang mga basura at ginagastusan ng gobyerno ang pag-iimbak.
Nasa limampung 40-footer container vans ang tatlong taon nang nakaimbak sa International Container Ports ng Maynila at Subic.
Nauna nang nagde-sisyon ang Manila RTC na ibalik sa Canada ang mga basura at kailangan sagutin ng importer ang lahat ng gastusin.
Muling diringgin ang kaso sa Setyembre 30. Nakatakdang maghain ang DoJ ng “motion for the execution of the order” para tuluyang matanggal ang mga basura sa pantalan ng bansa.
( LEONARD BASILIO )