Friday , November 15 2024

Si PresDu30 balak mag-martial law?

NOONG Sabado, binomba ng mga terorista ang mataong lugar sa kaniyang sariling  lungsod, sa Davao City, sa Mindanao. Umabot sa 14 ang patay at marami ang sugatan sa pagsabog ng bomba.

Para sa akin, ang pangyayari ay isang tahasang paghamon sa kakayahan ng militar at pulisya. Higit sa lahat, isa itong lantarang paghamon sa liderato ni Digong.

Isa rin itong seryosong banta sa buhay at katahimikan ng mamamayang Filipino, Kristiyano man o ng ating mga kapatid na Moro.

Sa nangyaring terorismo, hindi dapat na si PRESDU30, ay magkamot na lamang ng ulo. Asahan rin inyo na magiging mabangis siya laban sa mga terorista. Hindi niya papayagan ang ganitong terorismo sa ating bansa.

Sa ngayon, walang planong magdeklara ng Martial Law ang Pangulo, ngunit asahan ninyo, magtatalaga siya ng mas maraming pulis at militar para sa seguridad ng bansa.

STATE OF LAWLESSNESS VIOLENCE

Sa isang pahayag kay Chief Presidential Counsel Salavador Panelo, ipinaliwanag niya na bago pa man mangyari ang pagpapasabog sa Davao City, ay nagpaplano na ang adminitrasyong DU30 na magdeklara ng State of Lawlessness of Violence.

Aniya, may draft na at mabusisi nila itong pinagplanohan.

Ito ay napag-isipan dahil sa mga nangyayaring krimen, anti-illegal drug campaign at terorismo, kasama ang bantang terorismo ng Abu Sayaf.

Sinabi rin niya na huwag mag-alala ang mga mamamayan, dahil ito ay hindi Martial Law. Magkakaroon ng karagdagang checkpoints at puwede rin magtalaga ng curfew.

Wala namang magbabago sa ating pamumuhay, mas magiging mahigpit lang ang PRESDU30, kasama ang sandatahang lakas para sa seguridad ng bansa.

PABUYA NI MAYORA

Lubhang nakalulungkot ang ginawang pagpapasabog sa Roxas Night Market sa Davao City.

Dahil sa pangyayari, ang Presidential daughter at kasalukuyang Mayor ng Davao City na si Sara Duterte ay nagdesisyon na magbibigay ng P2 milyon na pabuya sa sino mang makakapagbigay ng kahit anong impormasyon, upang mahuli ang utak at nagpasabog sa Davao City. Hangga’t hindi niya mahuli nang BUHAY ang mga salarin sa nangyaring pagsabog, upang makakuha nang mas maraming impormasyon, lalo kung may ibang plano pa silang gawin na pagbobomba sa ibang lugar.

MGA PREHUWISYONG BUS,
TRUCK AT MOTORSIKLO
SA TAGAYTAY CITY

Ang Tagaytay City ay kilala hindi lamang dahil isang malamig na pook, ngunit ito rin ay kilala na isang lugar kung saan makalalanghap ng malinis na hangin.

Ngunit, maraming bus dito kagaya ng ALFONSO LINER at mga truck na bukod sa akala nila ay sports car sila sa pagharurot sa kalye, ay napakaitim ng usok na lumalabas sa kanilang mga tambutso.

Bukod sa mga bus at truck, prehuwisyo na rin ang mga motorsiklo rito na may maiingay na muffler.

Mga kapatid, kung hindi ninyo alam, ayon sa OPLAN RODY na nilabas nitong Hunyo ng taon, isa sa ipinagbabawal ni PRESDU30 ay maiingay na muffler ng mga motorsiklo.

Pero rito sa Kaybagal Road, sakop pa rin ng Tagaytay City, magigising ka sa madaling araw nang dahil sa mga bastos na nagmomotorsiklo. Bukod sa maiingay, animo’y nagkakarerahan sa isa’t isa.

Sana, ito ay mabigyan pansin ng ating mga awtoridad. Ang mga bus, truck at motorsiklo ay nakasisira sa katahimikan at kalinisan ng City of Character.

MGA KUWENTO ni Mrs. OX – Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *