ISANG improvized explosive device (IED) na ginawa mula sa 8-mm mortar shell ang ginamit sa Davao City bombing nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 2, ayon kay Armed Forces of the Philippines public affairs office (AFP-PAO) chief Col. Edgard Arevalo sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila.
“Under investigation pa ito at dumaraan sa forensic analysis ng ating experts pero hindi pa natin madetermina kung sino ang tunay na nasa likod ng pambo-bomba,” punto ng opis-yal.
Una rito, ikinokonsidera umano ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na pakana ito ng mga drug lord, sa kabila ng pag-ako ng tagapagsalita ng Abu Sayyaf sa pagsalakay na ikinamatay ng 14 at ikinasugat ng mahigit 60 katao.
Sa press briefing kahapon, sinabi ni PNP chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, ang pagsa-bog ay maaaring may kaugnayan sa kampanya ng pa-mahalaan kontra sa ilegal na droga.
“Aside from the Abu Sayyaf na we suspect na ginawa nila to ease the tension sa ongoing military and police operations against them, nandiyan pa rin ang isang angle na pinagtutuunan natin ng pansin: ‘yung narco-terrorism,” punto ni Dela Rosa
“Andyan pa rin ‘yan. Hindi natin ‘yan dini-discount totally,” dag-dag ng hepe ng pambansang pulisya.
Ipinunto rin ni Dela Rosa na may posibilidad na pakikipagsabwatan ang ilang drug lord sa militanteng Abu Sayyaf para maghasik ng kaguluhan.
“Ang Abu Sayyaf, they kidnap people for money. They can also bomb people for mo-ney. Pera-pera lang ‘yan sila,” aniya. “So kung ako’y mayaman na drug lord, puwede ko bayaran ang Abu Sayyaf. Puwede kong bigyan ng pera, sige bumomba kayo; you don’t have to kidnap people. After all mga tero-rista ‘yan.”
ni Tracy Cabrera