Saturday , November 16 2024

4 iskul nabulabog sa bomb threat

NABULABOG ang apat paaralan malapit sa Malacañang Palace sa San Miguel, Maynila kaugnay sa bantang pagpapasabog.

Makaraan ang masusing inspeksiyon, kinompirma ng mga awtoridad na walang bombang nakatanim sa Centro Escolar University (CEU), San Beda College, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at College of the Holy Spirit-Manila (CHSM).

Ang EARIST nitong Linggo ng gabi ang unang nakatanggap ng bomb threat, kaya agad nagresponde ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Explosive and Ordnance Division.

Habang ang CEU, CHSM at San Beda College, pawang nasa Mendiola district, ay nabulabog ng bomb threat nitong Lunes ng umaga.

Makaraan suyurin ng bomb squads ang tatlong paaralan, idineklara ni MPD Station 8 commander, Supt. Olive Sagaysay na ligtas ang mga campus dakong 9:00 am.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *