Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kamay na bakal ni Ping Lacson

KAMAKAILAN, nag-file ng bill si Sen. Panfilo M. Lacson  na magpapawalang-bisa sa kapangyarihan ng mga mayor at governors na makapag-appoint ng kanilang local chiefs of police.

Marami sa mga kababayan natin ay naniniwala na ito ay isinulong ng Senador upang hindi na mahaluan ng politika ang departamento ng pulisya and vice versa.

Ilang beses na napatunayan, may mangilan-ngilan nang nangyayaring ‘di magandang sabwatan sa pagitan ng ilang politiko at pulis, tulad ng problema pagdating sa illegal na droga at sugal.

Obviously, isa sa mga dahilan ni Senator Lacson na nagtulak sa kaniya na putulin na ang mga kamay ng mga politiko na magkaroon ng control sa ating mga pulis.

BAWAL ANG MGA NIGHTCLUB

Isa sa nagpahanga sa akin nang manirahan ako sa Tagaytay City ay nang mapansin ko na walang night club dito.

Nalaman ko na mahigpit na ipinagbabawal ni Hon. Abraham “Bambol” Tolentino ang magtayo ng ganitong establishment sa lugar na kaniyang pinamumunuan.

Bilang babae, ako ay bumilib sa ganitong panukala. Sapagkat maiiwasan, na ang isang babae ay pumasok o magtrabaho sa ganitong industriya.

Ipinapakita ng pamahalaan ng Tagaytay ang mataas na respeto sa kababaihan. Sapol pa noong panahon ng yumaong Tatay Isaac Tolentino, Francis Tolentino, Cong. Bambol Tolentino at ngayon kay Mayor Dra. Agnes Tolentino. Wala pong bahay aliwan o night club sa Tagaytay City.

LALAKI NAPAGKAMALANG
PULIS ANG KAPITBAHAY
NA BABAE, TINAGA

Isang lalaking, nagngangalang Jose Carreon mula sa Molave, Zambaonga del Sur ang napatay ng mga nagrespondeng pulis, matapos manlaban at manghabol ng itak.

Bago ang pangyayari, si Carreon na lunod na lunod sa droga, ay inakalang pulis ang kanilang kapitbahay na babae. Naging dahilan upang ito ay kaniyang sugurin at pagtatagain.

Sa awa ng Diyos, ang nasabing biktimang babae ay naoperahan na at nasa maayos na lagay na.

ADVISORY FOR BPI CLIENTS

Para sa kaalaman ng lahat, sa mga katulad ko na may BPI account at nangamba na hindi sila makapagwi- withdraw mula sa kanilang ATM, huwag po kayo mag-alala, hindi po lahat ay maaapektohan.

Ang BPI ay personal na magpapadala ng e-mail sa kanilang mga kliyente na maaapektohan ng system update.

Kaya kung sakaling makatanggap ng e-mail mula sa BPI, pumunta po agad sa inyong branch upang mag update ng inyong account details for security purpose.

Sa mga hindi makatatanggap ng kahit anong e-mail, relax lang kayo, wala po kayong aksiyon na dapat gawin.

MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …