KAHANGA-HANGA ang ginawang paglilinis sa sariling bakuran (internal Cleansing Process) ni Police Senior Superintendent Guillermo Eleazar, QCPD Director.
Pag-upo niya bilang kumander ay agad niyang sinibak o binuwag ang buong anti-illegal team bilang unang hakbang para linisin niya ang bakuran ng QCPD.
Para sa paghahanda ng maigting na laban sa illegal drugs sa nasasakupan niya sa QC. At sumunod dito, ang paglalansag sa grupo na pinamumunuan ng isang dating opisyal na pulis na konektado sa ilegal na droga.
Ang kahanga-hanga sa ginawa ni Sr. superintendent Eleazar ay dapat gawin huwaran ng buong PNP.
Mabuhay ka Senior Superintendent Guillermo Eleazar.
Gen. Galvante panlaban
sa mga corrupt sa LTO
Isa si retired General Edgar Galvante, ayon sa aking ama na nag-cover ng Philippine Constabulary hanggang Philippine National Police for 38 years.
Si Gen. Galvante ay isa sa mga pinakamatino at magaling na PC at PNP officer.
***
Napakasipag ng Cavite Provincial Police Office under Senior Superintendent Arthur Bisnar, PMA class 1990. Lalong matatag at masugid ang kampanya
Laban sa ilegal na droga at mga kriminal sa lalawigan ng Cavite.
Ang mga pulis sa Cavite ay makikita ngayon na nakaposte at alerto sila na handang sumaklolo sa publiko. Disiplinado at sila ay gumaganap ng kanilang tungkulin nang walang takot para saklolohan at protektahan ang mga mamamayan ng Cavite laban sa ilegal na droga at mga kriminal.
Welcome to Cavite, S/Supt Bisnar. Sasabihin ko sa ninong ko na magaling ka talaga.
CP Nos at Birthdays
dapat ba isulat sa kolum?
Madalas kong mabasa sa mga nagkokolum lalo na sa mga tabloid, katulad ng hataw na ang birthdays at cp nos., na puwedeng tawagan for comments and reactions (kuno).
Tama ba itong gawi ng isang manunulat na ilalathala niya sa kanyang kolum ang sarili niyang kaarawan na higit pa sa kaarawan ng dakilang bayani na si Dr. Jose Rizal? O, may ibang ibig iparating na mensahe sila?
Isa pa ang gawi na isulat nila ang kanilang pakikipagsosyalan sa matataas na opisyal ng militar, ng pulis at ng ating gobyerno.
Ano ba ang ibig sabihin nito?
MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego