BILANG isang bagong manunulat, ang aking naging inspirasyon ay mula sa aking ama na isa ring manunulat.
‘Ika niya, “I am not a brilliant journalist, I have a bad grammar, but I am not corrupt.”
Iyan ang kanyang simple ngunit may paninindigang salita na nagmula sa aking papa.
Ako ay residente ng Tagaytay City. Naging saksi ako kung paano hinarap ng Tagaytay City ang laban sa droga.
Katulad ng iba’t ibang lugar dito sa Filipinas, kasabay ang matinding laban ng ating Tatay Digong sa droga, maraming tao ang sumuko sa mga barangay at sa pulisya.
Maraming inorganisa na mga proyekto upang sugpuin ang salot na droga.
Sa ilalim ng supervision ni P/Supt. Ferdinand Quirante, nagtalaga ng mga door-to-door, kinatok ang mga nasa watchlist na mga user at pusher, maayos na kinakausap upang mapangalanan at mapayuhan sa napakasamang epekto ng droga.
Sa kabilang banda, hindi tulad ng ibang lugar sa Cavite, masasabi kong mababa ang problema ng droga dito sa Tagaytay City.
De Lima, De Lima…
Si Madam Senator ay laman ng mga pahayagan, TV at social media ngayon. Sangkot umano sa drug deals, tumanggap at tumatanggap pa rin ng malaking pera mula sa drug lords.
Lumabas na rin ang mga issue tungkol sa mga kabit niya, ultimo sex video, atbp.
Hindi ko ibinoto si Sen. Leila De Lima. Kung sakaling siya ay guilty sa mga akusa sa kaniya, dapat lang na mapatawan siya ng tamang parusa.
Ngunit sa ngayon, wala pang hatol, deserve niya po ba ang mga below the belt na pambabastos, panghihimasok sa kaniyang pribadong buhay, mga death threat, mga pagmumura sa kaniya sa social media?
Habang hindi pa napapatunayan na nagkasala siya, inosente pa rin siya.
Meron na tayong Cyber Crime Law, whatever we say in social media, lalo na kung nakasisira ng puri ng ibang tao, might be used against us.
‘Wag natin kalimutan ang respeto sa isa’t isa.
Magdasal na lang tayo na lumabas ang katotohanan at idaan ang lahat sa tamang proseso.
***
Alam ba ninyo, kung sa Makati ay may yellow card, sa Tagaytay City ay may “Pink Card.” Para sa kaalaman ng lahat, sa mga interesadong manirahan o mag-retire sa Tagaytay City, ito po ang ilan sa mga benepisyo ng Pink Card: libreng college education; libreng kuwarto sa Ospital ng Tagaytay kapag nagkasakit; libreng cremation; at libreng pagpasok sa pasyalan na People’s Park in the Sky at Picnic Grove.
Tagaytay City is indeed a city of character.
***
Full-blooded working journalists must decline receiving awards given by government, private, social, and civic groups. Para sa akin, ang tatanggapin ko lang na award at recognition ay ‘yung manggagaling sa grupo ng mga tunay na working journalists.
At higit sa lahat, ang media organizations hindi dapat magbigay ng awards sa pribadong grupo o tao maliban sa mga journalists.
MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego