NAKATAKAS sa nakabarilang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at tauhan ng Armed Forces of the Phiippines (AFP) ang suspek na sangkot sa tangkang pagbomba sa Francisco Bangoy Internationa Airport sa Davao City noong 2003.
Gayonman, nakuha ng NBI ang naiwang high-powered rifle, pampasabog, mga armas, granada, at Icom-two way radio ng suspek na si Abdul Manap Mentang sa kanyang bahay sa Brgy. Rosary Heights 3, Cotabato City dakong 11:00 pm kamakalawa makaraan makapalitan ng putok ng mga awtoridad ang apat na kalalakihan.
Ayon kay NBI Agent Ely Leano, si Mentang ay itinuturing na “high value target” at may warrant of arrest kaugnay sa pagkakasangkot sa Sasa Warf bombing at pambobomba sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City noong 2003.
Nabatid na si Mentang ay may patong sa ulo na P2.3 milyon para sa kanyang ikadarakip.
Bukod sa hinihinalang miyembro siya ng grupo ng mga kriminal na sangkot sa gun running, paggawa at pagbebenta ng improvised explosive devices.
( LEONARD BASILIO )