Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Salamat kay Hidilyn Diaz!

The most important thing in the Olympic Games is not winning but taking part; the essential thing in life is not conquering but fighting well. — Pierre de Coubertin

PASAKALYE: Kung tunay na nais nating masugpo ang paglaganap ng iligal na droga sa ating lipunan, ang dapat na solusyon ay ang pagsupil sa ating kabataan na malulong sa ganitong uri ng bisyo. Hindi sapat na hulihin ang mga sangkot sa kalakalan ng droga at kasuhan para maparusahan sila, ang mas mahalaga ay mapigil natin an gating mamamayan sa sumubok o ipagpatuloy nila ang pagamit ng bawal na gamut.

Ang paraan?

Palakasin ng pamahalaanang programa sa sports!

‘Di po ba?

SA mahigit 100 milyon, nagpadala ang Pilipinas ng 12 atleta sa Rio Olympics, at nagwagi naman tayo ng 1 medalya. Salamat sa second place finish ni weightlifter HIDILYN DIAZ. Dangan nga lang ay dinaig tayo ng Singapore at Vietnam, na nakakuha ng tig-isang gintong medalya; Thailand at North Korea, dalawa; at South Korea, 9.

Ayos!

Ang ‘Kuwarta’ Suprema

PAGDATING sa pagiging notorious sa mga kababuyan at mga kawalanghiyaan, numero uno talaga ‘yang mga taga-‘Kuwarta’ Suprema, kaya nga patuloy na nakakagala ‘yong mga salot dito sa lipunan natin, na katulad ni mandarambong ERAP ESTRADA, na sumagad na halos sa paggawa ng mga kahayupan at mga kawalanghiyaan! Thank you at more power po, Ma’am Tracy! — Mr. Donald ng Tondo, Manila (09196654…, Agosto 10, 2016)

Oras na ng paniningil

MATINDING kahayupan talagang ang nakakulapol dito sa kawawang bayan natin, kaya tama lang na tabasin o lipulin na ‘yang mga sumasalot ditto sa lipunan nating binaboy ng todo. Sana lang ay maisama ni President DU30 sa paglipol ‘yong mga katulad ni mandarambong ERAP ESTRADA, na talagang matindi at sumagad na ang pagiging animal at pagiging hari ng mga kahayupan. ‘Ika nga, oras na ng paniningil ng mga mamamayang gutom sa katarungan! Thank you at more power po, Pangil. — Mr. Donald ng Tondo, Manila (09196654…, Agosto 5, 2016)

Kastigong brutal ang pairalin

SA ganitong klase ng lipunan, na kay tagal ng walang disiplina, ang karamihan at mas dumarami ang mga may sira ang ulo at isipan, tunay na kastigong brutal at mabagsik na batas talaga ang ipinaiiral sa ganitong uri ng bansang naging kultura na ang iba’t ibang klase ng mga kawalanghiyaan at nagging inventor din ng mga sagad na kahayupan!

‘Yang mga sira ulo na lagging tutol sa pag-unlad nitong bayan, tunay na ‘yan ang mga terorista at patuloy na pumepeste dito sa kawawang bansa natin. Gusto talaga nilang patuloy na was akin at pagharian ito ng mga salot ng lipunan at mga mandarambong, kaya naman sa lideratong ito ni Pres. DU30, tunay na may tsansa o maba(ba)wasan man lang ‘yang mga de animal dito sa bansa nating dumami ang mga may busabos nap ag-iisip at mga sira ang ulo! Thank you at more power po,Pangil! — Mr. Donald ng Tondo, Manila (09196654…, Agosto 5, 2016)

ATTN: DoF/OCom?VACC/BIR/media

KINDLY please check this person IO1 JOEL PINAWIN, assigned at CIIS-PoM Customs, who has a brand new Landcruiser, Ford Everest, Audi and 5 other SUVs, and take note, his collector of ‘tara’ are his 2 police bodyguards which you can check at his office located at (the) Port of Manila, and if you can check his watch—he bought 3 watches with a cost (of) P1 million each form (a) certain MIKE, a broker and seller of luxurious watch(es) and accessories. — Anonymous (09153333…, Hulyo 20, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili aya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …