Friday , April 18 2025
dead gun

61-anyos driver nagbaril sa sentido (Problemado sa pera)

PATAY ang isang 61-anyos jeepney driver makaraan magbaril sa sarili dahil sa prolema sa pera kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Edmund Cruz, ng 341 Coral Street, Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balingan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 10:30 pm nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Napag-alaman, habang natutulog ang anak ng biktima na si Ranielle, nang marinig niya ang isang putok ng baril.

Nang tingnan ni Ranielle ang pinagmulan ng putok ay nagulantang nang makitang nakahandusay na duguan ang ama.

Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang wala nang buhay.

Ayon sa pamilya ng biktima, problema sa pera ang nakikita nilang dahilan nang pagpapakamatay ni Cruz.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Joana Cruz at Julyn Formaran )

About Leonard Basilio

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *