Friday , November 15 2024

3 sangkot sa droga patay sa pulis

TATLO katao na sinasabing mga sangkot sa illegal na droga ang namatay makaraan lumaban sa isinagawang ‘One-Time-Big-Time’ anti-criminality operation sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Northern Police District (NPD) director, Sr. Supt. Roberto Fajardo, dakong 3:00 pm  nang magsagawa ng one time big time anti-criminality operation ang pinagsanib na puwersa ng DPSB, NPD-SWAT, DID, Maritime Group at Navotas Police sa Navotas Fish Port Complex, Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) at Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).

Base kay Navotas Police chief, Sr. Supt. Dante Novicio, magsisilbi ng warrant of arrest ang mga tauhan ng PCP-4 sa pangunguna ni Insp. Albert Trinidad sa Road 10, Sitio Sto. Niño, Brgy. NBBS nang mapansin nila ang dalawang lalaki na nag-aabutan ng pinaniniwalaang shabu na kinilalang sina Raul Rarugan, alyas Ninong, at Jommel Ejorcades, alyas Boknoy, 28, kapwa miyembro ng Sputnik Gang.

Nang mapansin nila ang mga pulis ay pumasok ang isa sa tindahan habang pumuwesto ang isa sa labas at bumunot ng baril.

Tinangkang paputukan ng isang suspek ang mga pulis ngunit hindi pumutok.

Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis dahilan ng agarang kamatayan ng mga suspek.

Samantala, nakipagbarilan sa mga tauhan ng SID sa Navotas  Fish Port Complex ang isa pang miyembro ng Sputnik Gang na isang alyas Jimmy, nagresulta sa kanyang kamatayan.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *