Friday , November 15 2024
h4_huwebes

Libing ni Macoy tantanan na

BAGAMA’T tuloy-tuloy na mga ‘igan, ang pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa “Libingan ng mga Bayani,” na siyang ipinangako ni Ka Digong sa sambayanang Filipino, ay paparami nang paparami pa rin ang mga petisyong itinataas sa Korte Suprema upang mapigilan ang pagpapalibing ng labi ni Macoy sa “Libingan ng mga Bayani.”

Sus ginoo!

Anak ng teteng! Kailan tatantanan ang isyung ito mga ‘igan?

Sa totoo lang, sa dinami–rami ng isyu o’ problema ng bansang dapat pagtuunan ng pansin, aba’y ubos na ubos na ang oras at panahon ng mga politikong sumasawsaw sa nasabing usapin, maging ang ating mga mambabatas, na sige nang sige sa pakikipagbakbakan sa isyung pagpapalibing kay Macoy!

Aba’y, tuldukan na ito.

Marami pang dapat na asikasohin. Hindi ba’t tinuldukan na ito ni Digong?

Aniya, because he was a President, period.

Mahirap ba itong intindihin? Hinding-hindi maiaalis na si Macoy ay naging Pangulo ng bansa at naging sundalo rin naman ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.”

Sabagay, mahirap talaga itong maintindihan, partikular ng mga ‘dilaw,’ dahil sa sobra umanong galit na namuo sa kanilang puso laban kay Macoy.

Pero, anoman ang mangyari, alam at dama nating lahat na hinding-hindi magbabago ang naging desisyon ni Ka Digong.

Bakit nga ba pilit na hinuhusgahan si Macoy sa kanyang pagkakamaling nagawa? Bakit hindi rin siya husgahan sa mga nagawa n’yang kabutihan sa Bayan? Dahil kahit papaano’y may nagawa rin namang kabutihan ang ‘mama.’Ttanggapin natin ito nang maluwag sa dibdib. Si Macoy ay tao, tulad nati’y may kahinaan din. ‘Ika nga nila, ‘tao lang’ na pagkaminsa’y nagkakamali.

Tama ka ‘igan, ‘tao lang.’ E, paano naman ang aso ni Coring ‘este’ Cory? “Hayop Lang?” He he he…

Aba’y sosyal mga ‘igan!

Nang inilibing si aso (Shadow) ibinalot pa sa watawat ng Filipinas, at take note, with matching ceremony na may horror  ‘este’ ho-nor guard pa?!

Paano ngayon maikokompara ang isang tao na naging pangulo ng bansa sa isang aso na isang hayop at hindi tao pero binigyan ng “full military honor” nang mamatay sa ilalim ng administrasyong Cory Aquino?

Nakatatawa man tanungin, pero hindi ba dapat, tulad ng aso ni Coring, bigyan ng pagpupugay si Macoy na naging presidente ng bansa at dapat na ilibing sa Libingan ng mga Bayani?

Tulad din ng inihirit ng ating pambansang kamao – Senator Manny ‘Pacman’ Paquiao — “Ang pinakaimportante, magkaroon tayo ng forgiveness. Kung wala tayong pagpapatawad sa puso natin, hindi tayo makamo–move–on.

Kailangan natin ng forgiveness para tayo’y may kaligtasan.

So, okey lang i–forgive natin ‘yan. I-count din natin ang nagawa n’ya. Ang pinaka-importante, “he was elected as president.”

Pero teka, pambansang kamao, naiintindihan n’yo po ba ang salitang forgiveness? Pagpapatawad po ito sa mga taong nagkasala o gumawa nang hindi mabuti. Mukhang taliwas ito sa isinusulong n’yong death penalty!

Minsan nang ibinida ni Sen. Pacquiao na pabor siya sa death penalty para ipataw sa mga taong nagkasala. Hindi ba puwedeng i–forgive ang mga salarin o pasaway at hindi na ang death penalty?

Mabigat ang salitang pagpapatawad, pero kung sa tingin ito ang dapat tungo sa tunay na pagbabago i-push na ‘yan!

Ngayon, Senator Allan Peter Cayetano, SIR, ano po ang masasabi n’yo sa isyung pagpapalibing ni Ka Digong kay Macoy sa Li-bingan ng mga Bayani? Okey ka na po ba? He he he…

Tantanan na ‘yan! Kampihan mo na lang si Digong!

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *