Sunday , December 22 2024

Laban sa ilegal na sugal ang kasunod

KUNG inaakala ninyo na tanging sa ipinagbabawal na droga lang nakasentro ang operasyon ng mga pulis ay nagkakamali kayo.

Naglabas ng direktiba ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Hulyo 22, 2016 para sa kanilang mga unit, hepe at tanggapan na paigtingin ang police operations sa lahat ng uri ng illegal gambling sa lugar na kanilang nasasakupan.

Ito ay batay umano sa naging pahayag ni President Duterte, sa mahigpit na kampanya ng PNP laban sa kriminalidad at sa programang Oplan Bolilyo ng CIDG.

Sa katunayan, nagpahayag si PNP chief, Director-General Ronald dela Rosa, sa kanyang talumpati sa General Santos City noong Agosto 11 na pagtutuunan din nila ang ilegal na sugal.

Bago pa raw siya naging PNP chief ay nagpapadala na ang gambling lords ng mga emisaryo upang alukin siya ng milyones. Pero bigo silang umuuwi dahil hindi talaga nagpapasuhol si Bato.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay inatasan siya ng Pangulo na imbestigahan ang katayuan ng small-time lottery. Inutusan din siyang mag-ulat kaugnay ng ilegal na sugal.

Kaya bukod sa mga pinaghihinalaang tulak at gumagamit ng droga na naaaresto, na ang iba ay napapatay pa sa kabi-kabilang operasyon, natural lang na asahan na rin ang sunod-sunod na paghuli at pagbuwag sa mga gambling joint sa paligid.

Sa dinami-rami ng mga ilegal na pasugalan sa bansa, tiyak na maraming mahuhulog sa police operations na ilalatag ng CIDG.

Tiyak na nangangatog na ang nagpapatakbo ng saklang patay sa mga bayan ng Kawit, Noveleta, Rosario, Cavite City, Tanza, Amadeo at Mendez. Isang ‘Eileen’ ang nag-aayos ng pakikipag-usap sa Cavite police. May gumagasgas ng pangalan ni Senior Superintendent Arthur Bisnar, Cavite police director, na nagpapakilalang bagman. Ito ay si SPO1 Troy. Ang tagaikot naman daw ni Troy ay isang “Lando Bulag.”

Sa Malabon, ang video karera ni Buboy Go ang patok na patok. Sakla naman ang pinagkakaabalahan ni alyas “Mario.” Si “Nancy” ang reyna ng bukis at lotteng.

Inaasahan ng Firing Line na may gagawing aksiyon si Senior Superintendent John Chua, Malabon police chief, ukol dito. Mukhang wala rin ginagawa sina Cavite Governor Jesus Crispin Remulla at Malabon City Mayor Antolin Oreta III dahil kung umaaksiyon sila, hindi mamamayagpag ang ilegal na sugal sa kanilang nasasakupan.

Alalahaning ang CIDG ang may mandato na magsagawa ng mga raid kaya hindi nila dapat palusutin ang naturang mga ilegal na sugalan. Kung hindi sila manghuhuli ay baka sila ang mapag-isipang ‘nakikinabang’ sa bawal na sugal.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *