Friday , November 15 2024

Ex-konsehal patay, 3 sugatan (Birthday party niratrat)

PATAY ang isang dating konsehal ng Malabon City makaraan pagbabarilin ng isa sa hindi kilalang kilalang riding-in-tandem habang sugatan ang tatlong kainoman kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police Staff Duty Officer, Insp. Mark Flores ang napatay na si Eddie Nolasco, 61, siyam taon naging konsehal ng lungsod at residente sa 54 Mangoosteen St., Brgy. Potrero.

Ginagamot sa Manila Central University Hospital (MCU) sina Servando Sotto, 56, retiradong fireman, ng 4/F, Rivera St., at Fernando Tongco, 63, ng Rivera St., habang sa Jose Reyes Memorial Medical Center nilalapatan ng lunas si Michael Servando, 38, ng Brgy. Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon nina PO3 Roger Gonzales, PO1 Joenel PO1Claro at Aaron Blanco, dakong 9:30 pm nang maganap ang pamamaril sa harapan ng bahay sa Rivera St., ng nasabing barangay.

Sa ulat, dumalo si Nolasco sa birthday party ng kanyang kaibigan na si Erlinda San Mateo sa nasabing lugar at habang nakikipag-inoman sa kanyang mga kaibigan ay biglang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima.

( ROMMEL SALES / JUN DAVID )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *