Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Matthew Marcos Manotoc bagong politiko sa Ilocos

PINASOK na rin ni MATTHEW MARCOS MANOTOC ang politika o direktang paraan ng paglilingkod sa ordinaryong mamamayan.

Sa edad na 28-anyos, si Matthew ang pinakabatang naglilingkod bilang board member ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte makaraang manalo nitong nakalipas na halalan.

Sino ba si Matthew Marcos Manotoc?

Si Matthew ay anak ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Siya ang nakababatang kapatid ni Borgy Manotoc, ang pamoso at batikang fashion model.

Bago manalo si Matthew, mahilig siya sa sports (golf) at business management (Espiritu Manotoc Basketball Management – EMBM).

Nangangahulugang mayroong malinaw na plano sa buhay si Matthew dahil mula sa paglalaro ng golf ay pinasok niya ang pamamahala sa sports, partikular sa basketball na patok na sports sa Filipinas, higit na mataas ang antas ng pananagutan sa buhay.

Nang manalo sa eleksiyon, pumutok sa Ilocos ang balita, na tila isang pelikulang pinaghahandaan ni Matthew na siya ay maging susunod na gobernador ng Ilocos Norte.

Ang nakikita natin, pinaghahandaan niya ang tapat at wastong pagli-lingkod sa kanyang mga kababayan mula ngayong 2016 hanggang 2019.

081216 MATTHEW MARCOS MANOTOC

Ito’y dahil alam ni Matthew na hindi lang malawak, kundi malalim na pananagutan ang pinasok niyang larangan.

Mayroon tatlong adyenda si Matthew sa kanyang panunungkulan.

Una, isusulong ni Matthew ang ibayong pagpapahusay ng sports, dahil gusto niyang isulong ang “health and wellness advocacy.”

Ikalawa, siya ang magsisilbing “boses ng kabataan” para sa mabuti at progresibong kinabukasan.

At ikatlo, “entrepreneurship” upang maibahagi at maituro ni Matthew ang kanyang kaalaman sa pamamahala ng negosyo.

Wasto ang ginawa ni Matthew, sapagkat sa tatlong adyendang inilatag niya, patutunayan niya ang kanyang kapasidad at kayang gawin bilang isang Matthew Marcos Manotoc at hindi lamang anak ng isang Governor Imee Marcos.

Ibig sabihin, hindi lamang sa sports at pagnenegosyo, kundi maging ang direktang paglilingkod sa mamamayan na matagal nang ginagawa ng pamilya Marcos.

Ang totoo, walang dapat ipagtaka kung pagdating ng 2019 ay magpasya si Matthew na pumalit sa kanyang ina.

Naniniwala ang mga taga-Ilocos, tulad ng kanyang ina at tiyo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos II,  hindi nagpabaya sa kanilang tungkulin at pananagutan habang mga gobernador ng Ilocos Norte, sapagkat mahal na mahal nila ang kanilang lalawigan.

Kaya, nasa “tamang panahon” ang pagpasok ni Matthew Marcos Manotoc sa politika.

TIRANG PIKON BA
SI DOJ SECRETARY
VITALIANO AGUIRRE?!

081216 aguirre media dead drugs

GENERALIZED ang statement ni Secretary Vitaliano Aguirre hinggil sa media na binabayaran umano para i-diskaril ang kampanya kontra-ilegal na droga ng adminsitrasyong Duterte.

Isa na naman itong pabigla-bigla at padalos-dalos na pahayag.

In short, isang pahayag na ‘burara.’

Secretary Aguirre, alam ba ninyong araw-araw ay nagsasalansan ang editorial desk ng mga istoryang paulit-ulit na patayan.

Araw-araw ay nagbibilang ang editorial desk ng mga bangkay ng mga taong walang pangalan, mga babae at batang umiiyak dahil napatay ang tatay ng pamilya. Matandang nanay na nawalan ng anak na nagpapakain sa kanya?!

Ayaw sana nating patulan ang ganitong “emotional blackmail.”

Naniniwala ang inyong lingkod na ang nangyayari ngayon ay ‘apo sa talampakan’ ng pagpapabaya sa lipunan ng mga naunang lider ng ating bansa.

Huwag na tayong lumayo, ‘yung sinundan ninyong administrasyon, matagal na pala nilang hawak ‘yang narco-list na ‘yan, pero ni hindi nag-angat, kahit nga ng kalingkingan para mabawasan ang mga salot sa lipunan.

Kaya sana naman, maging responsable rin si Secretary Aguirre sa pagsasalita kung mayroon man siya o silang alam na binabayarang media para idiskaril ang maigting na kampanya laban sa droga.

Mr. Justice Secretary, name names please… kumbaga sa baril, strafing ‘yang ginagawa ninyo sa media.

Kung mayroon po kayong impormasyon kung sino sila, ilantad na po ninyo.

Alam naman namin, sa administrasyong ito, hindi uso ‘yung mga nagsasalita nang walang basehan o pinaghahawakang ebidensiya.

Sigurado, maliwanag pa sa sikat ng buwan ang mga ebidensiyang ‘yan, Secretary Aguirre.

Pangalanan na po ninyo kung sino man ‘yan, para malaman namin kung talagang taga-media ‘yan.

‘Yun lang po.

FIXER-PIYANSADORA
SA OPISINA
NG PASAY FISCAL

081216 money court

Mukhang isang fixer-piyansadora ang nagagamit ang tanggapan ng isang Prosecutor diyan sa Pasay City.

Isang alyas Maso, na nagpapakilalang empleyado sa opisina ng isang Fiscal ang walang ginawa kundi maglagari kapag mayroon siyang pinapiyansahan.

Siyempre, puwede niyang ibulong sa judge na ipinakikiusap ng boss niya kaya antimano pipirmahan ng judge ang piyansa.

SOJ Vitaliano Aguirre Sir, paki-check lang po ‘yang isang alyas Maso na ginagamit ang opisina ng isang Fiscal sa Pasay city para rumaket bilang fixer-piyansadora.

Paalala lang po.

TEXT MESSAGES
NA NAMAN PARA GIBAIN
ILANG CUSTOMS OFFICIALS

081216 customs BOC text

HINDI pa man nagtatagal sa upuan ang bagong commissioner ng Customs na si Nick Faeldon, sandamakmak na black propaganda thru text messages ang kumalat sa BOC.

Target ang ilang customs official at pati ang bagong customs commissioner ay hindi rin pinatawad ng mga mapanirang text messages.

Pero ‘yang ‘text gibaan blues’ ay hindi na bago sa atin ‘yan. Tuwing may bagong administrasyon, laging nagaganap ‘yan.

Sabi nga, nagiging epektibo lang ang ‘gibaan’ o black propaganda kung may semblance of truth.

Mayroon naman kahit hindi na i-black propaganda pero dahil bistado o bantad na sa pagiging walanghiya kusang nagigiba kahit ano pang papogi o pa-good boy ang gawin.

Kaya nagtatawanan lang ‘yung mga nakatanggap ng ‘text gibaan blues’ laban kay Commissioner Nick Faeldon kasi ‘unbelievable’ ang mga paninirang ipinapakalat laban sa kanya.

Habang ‘yung pinaghihinalaang nagpapakalat ng ‘text gibaan blues’ ‘e kilalang-kilala naman na pansariling interes lang ang pinoproteksiyonan.

Uulitin lang po natin, kung hindi bantad sa masamang gawain ang nagpapakalat ng paninira ‘e baka sakaling magdalawang–isip pa ang pinadalhan ng ‘text gibaan messages.’

‘E kaya lang bistado na ang likaw ng bituka ng grupong ‘yan…

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *