Saturday , November 23 2024

Filipinas pinasok ng Mexican drug cartel

KINOMPIRMA ni President Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nakapasok na sa ating bansa ang Mexican drug cartel na Sinaloa.

Dahil umano sa mahigpit na patakaran ng bansang Amerika sa ilegal na droga kaya binobomba at halos durugin nila ang Sinaloa, ay inilipat ng naturang drug cartel ang operasyon nila sa ating bansa at ginawa tayong transshipment.

Noong Enero 2015 ay nahuli umano ng mga operatiba ng PDEA ang 39-anyos na Mexican at miyembro ng Sinaloa drug cartel na si Horacio Hernandez sa Makati City, sa pagbebenta ng cocaine na nagkakahalaga ng P12 milyon.

Sinalakay rin ng pulisya ang isang farm para sa mga panabong sa Lipa City, Batangas at nakakompiska ng 84 kilo ng shabu. Ang Batangas ay lungga umano ng mga kasabwat ng pinuno ng Sinaloa.

Ang pangamba ba na baka lumawak ang impluwensiya ng Sinaloa at ng kanilang bawal na droga sa bansa ay isa sa mga dahilan kaya todo ang kampanya ng pulisya laban sa droga?

***

Sa wakas ay napagkasunduan din kung saan ililipat ang 160 drug lord at pusakal na nakapiit sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay sa Caballo Island na dating kilala bilang Fort Hughes, at matatagpuan sa silangang bahagi ng Corregidor. Kasalukuyan itong inookupahan ng Philippine Navy.

Malakas ang posibilidad na matutuloy ang paglilipat dahil nag-ocular inspection na ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa isla.

Dati nating tinalakay na patuloy na sasakit ang ulo ng mga opisyal ng gobyerno sa paulit-ulit na pagsalakay at pagkompiska ng mga kontrabando sa loob ng Bilibid.

Masyadong malalim ang pagkakabaon ng kuko ng korupsiyon sa loob ng NBP.

Maaaring mapahinga ito ngayong puwersa ng PNP-Special Action Force (SAF) ang itinalagang kapalit ng prison guards para magbantay sa pasilidad.

Pero ang tanong ay kung hanggang kailan magiging tapat at magpapakasanto sa tungkulin ang mga bantay na pulis kung sinisilaw sila ng P1 milyon alok ng mga drug lord, kapalit ng bawat cell phone na maipupuslit sa loob ng piitan?

Ayaw natin siraan ang integridad ng pulisya pero sa hirap ng buhay sa kasalukuyan, ang alok na P1 milyon ay hindi biro-birong halaga.

Ang paglilipat sa isang isla na walang signal para sa cellphone, internet at anumang gadget ang pinakamagandang paraan para maputol ang patuloy nilang komunikasyon sa pagnenegosyo ng bawal na droga nang kahit nakakulong.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *