Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

RCMG, AMO at tax credit busisiin ng Duterte Administration

CONGRATULATIONS pala kay Customs Collector Atty. Arnel Alcaraz.

Balitang itatalagang bagong BOC Depcomm, EG o sa AOCG.

Welcome na welcome sa Customs employees dahil galing sa kanilang hanay ang maa-appoint na isa sa deputy commissioner sa customs.

Good luck Sir Arnel!

***

GRABE na ang ‘parating’ nitong isang alias JORGE WEE na mga pekeng gamot at puro IPR violation mula China.

Nahuli na raw ng NBI pero patuloy pa rin ang smuggling operation.

Ito ang buena-mano na dapat upakan ni incoming BoC Commissioner Faeldon!

***

Isa sa dapat paimbestigahan agad ni Incoming Pres. Rodrigo Duterte ang ilang opisyal sa RCMG.

Matindi ang raket sa mga tax credit na ang utak ay isang abogada raw.

Milyones na ang kinita lalo na ang AMO sa accreditation.

Isang alias AL ang nagsisilbing bagman ng mga tulisan diyan!

Ganoon din ‘yun may trucking firm na may vested interest at sumuporta nang todo kay Sen. Grace Poe.

Sila ang mga taong dapat mawala sa BOC!

***

Imbestigahan rin ang isang alias ARNOLD SAWLOG na puro alak at pekeng sigarilyo ang palusot sa pier. Madalas pang i-namedrop si ES Paquito Ochoa.

***

Sino-sino naman ang mga media man na sangkot at yumaman sa illegal na droga?

Nakakatakot kung may makadikit sa Duterte administration na media man na tongpats sa droga.

Change is coming talaga para dito kay media man na into drugs. Sino-sino sila!?

***

Congrats pala sa mga kaibigan ko na sina  dating air force chief na nakatalaga sa Duterte administration na si ret. Lt. Gen. Pete Cadungog, Gen. Esperon na National Security Adviser,  Comm. Nick Faeldon,  at Pres. Adviser Jess Dureza, Manny Piñol at Al Cusi.

Congrats po mga  kaibigan. God bless!

***

Congrats rin sa NBI Davao dahil sa magandang seguridad na pinatupad n’yo sa nakaraang Thanksgiving party ni Pres. Duterte. Kahit may nagkasakit dahil sa lakas ng ulan ay ginampanan nilang mabuti ang kanilang tungkulin sa pangunguna ni NBI Asst. Regional Director Atty. Rosales at mga agents niya.

Mabuhay kayo!

***

Ang car smugglers na sina alias KENNETH at DORAY ay dapat sampolan ng bagong administrasyon.

I-audit lahat na pinalusot nilang sasakyan sa BoC.

Sa susunod na issue ay tatalakayin natin ang lahat ng consignee nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …