MATAPOS na makalasap ng back-to-back na kabiguan sa Games Four at Five, miinabuti ng mga manlalaro ng Rain Or Shine na magkaroon ng off-court bonding pagkatapos ng kanilang ensayo noong Lunes.
Sila-sila lang, Hindi nila isinama si coach Joseller “Yeng” Guiao o kahit na sinong miyembro ng coaching staff.
Ang pulong ay pinamunuan ng beteranong si Jeff Chan na kitang-kitang ang pagkadiskuntentado sa Game Five kung saan minura pa nga niya habang palabas ng court ang kakampng si Beau Belga matapos na matawagan ito ng deliberate foul.
Kasi nga aý lamang sila sa puntong iyon at dahil sa deliberate foul ay nabigyan ng dalawang free throws at ball possession ang Alaska Milk at nagbago na ang ihip ng hangin.
Bale wala na ang pagmumura, bale wala na ang mga kamalian, bale wala na ang dalawang talo. Kailangang tapusin na nila ang serye kung hindi ay sila ang matatapos!
At nagbunga ng maganda ang pulong. Isinaisang-tabi ang lahat ng hinanakit. Nagyakap sila bilang magkakapatid.
At kitang-kita ang kanilang determinasyon noong Miyerkoles nang pulbusin nila ang Alaska Milk, 109-92 upang wakasan ang serye 4-2 at maibulsa ang titulo ng PBA Commissioner’s Cup.
Iyon ang ikalawang kampeonato ng Rain Or Shine buhat nang maging miyembro ng PBA.
At pinuri ni Guiao ang kanyang mga bata.
Sa totoo lang, pinapaboran ang Alaska Milk kotnra Rain Or Shine sa serye dahil higher seed team ang Aces.
Pero nakaalagwa kaagad ang Elasto Painters, 3-0. ( SABRINA PASCUA )