Friday , November 15 2024

12 bagong Senador iprinoklama na (Lacson, Sotto no show)

NAIPROKLAMA na ng Commission on Elections bilang umuupong National Board of Canvassers, ang 12 bagong halal na senador sa katatapos na May 9 elections, sa Philippine International Convention Center (PICC).

Nanguna si Senator Franklin Drilon na nakakuha ng higit 18 milyon boto.

Sa mga naiproklama, lima sa kanila ang first time o unang beses na uupo bilang senador.

Ito ay sina dating TESDA director general Joel Villanueva, eight division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao, Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at dating Justice Sec. Leila de Lima.

Si De Lima ang ika-12 sa nahalal na mga senador.

Sinabi ni Comelec chairman Andres Bautista, nasa 1,332,973 boto ang lamang ni De Lima sa 13th place na si Francis Tolentino.

Sa ngayon, ayon kay Bautista, mayroon na lamang 1,211 boto ang hindi pa na-canvass ng National Board of Canvassers kaya hindi na ito makaaapekto sa lamang ni De Lima kay Tolentino.

Habang no-show sa ginanap na proklamasyon si Senator-elect Panfilo Lacson.

Magsisimula ang termino ng mga bagong halal na senador sa tanghali ng Hunyo 30 ng taon kasalukuyan.

Narito ang 12 bagong senador at ang bilang ng kanilang natanggap na boto: Franklin Drilon – 18,607,391; Joel Villanueva – 18,459,222; Vicente Sotto III – 17,200,371; Panfilo Lacosn – 16,926,152; Richard Gordon – 16,719,322; Juan Miguel Zubiri – 16,119,165; Manny Pacquiao – 16,090,546; Francis Pangilinan – 15,955,948; Risa Hontiveros – 15,915,213; Sherwin Gatchalian – 14,953,766; Ralph Recto – 14,271,866; at Leila de Lima – 14,144,070.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *