Friday , November 15 2024

Unofficial canvass ipinatigil ng kampo ni Bongbong Marcos

NANINIWALA si Rep. Jonathan Dela Cruz, campaign adviser ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tiyak niyang mananalo si Marcos sa official canvass ng mga boto sa maliit na lamang na nakatala sa unofficial count ng kanyang kalaban na si Rep. Leni Robredo.

“We are certain that after all of these things, we will emerge victorious. We are very certain,” pahayag ni Dela Cruz sa press briefing.

Ipinunto niyang sa exit polls ng Social Weather Stations at iba pang transparency groups, kinompirma sa kanilang internal polling na si Marcos ay nakakuha ng 34.9 porsiyento ng boto kompara sa 32.2 porsiyento ni Robredo.

“So we are certain that once the official canvas starts, we will be emerging victorious. And that is the reason why this morning we requested, and we are reiterating our request, for the Comelec (Commission on Elections) to, number one, to already put an end to this unofficial canvass,” aniya.

Paliwanag ni Dela Cruz, ang hiling ay upang mapigilan ang sitwasyon na ang unofficial quick count results at official canvass ng National Board of Canvassers ay maging magkaiba at magdulot ng kalitohan at duda sa resulta ng eleksiyon.

Aniya, hiniling din niya sa poll body na tukuyin ang mga erya kung saan galing ang mga boto na lumabas sa transparency servers upang maiwasan ang posibilidad na double entries. Ipinunto ni Dela Cruz, mula dakong 10 p.m. kamakalawa, ang boto para kay Sen. Marcos ay pataas sa reasonable rate ngunit makaraan ang isang oras, ang bilang na nadadagdag ay lumiliit sa regular rate sa pagitan ng isa hanggang dalawang porsiyento bawat succeeding updates ng unofficial count. “All I can say is this is very suspicious,” diin ni Dela Cruz.

Ang higit aniyang kataka-taka, ayon kay Dela Cruz, ang pagbaba ng lamang ni Sen. Marcos ay nagsimula nang makaranas ang Comelec ng ‘glitch’ na nagpa-delay sa updates ng transmitted votes sa transparency server.

Gayondin, ipinunto ni Dela Cruz, maraming boto ang hindi pa naita-transmit mula sa iba’t ibang erya, kabilang ang baluwarte ni Sen. Marcos katulad ng Ilocos Sur, 11 percent; La Union, 11 percent; Nueva Vizcaya, 12 percent; Apayao, 18 percent; Abra 11 percent; Lanao del Norte, 12 percent; Zamboanga del Sur, 9 percent; at Sultan Kudarat 22, percent—ang lahat ay hanggang 9:30 a.m. kahapon. ”So as I said we are certain that once the official count progresses, we will emerge victorious” ani Dela Cruz.

About Niño Aclan

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *