Friday , November 15 2024

Tolentino inendoso ni Duterte, INC

NAKAKUHA ng malaking bentaha ang kandidatura ni independent senatorial candidate Francis Tolentino nang iendoso ng nangungunang presidential bet na si Rodrigo Duterte at ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Nagpahayag ng suporta si Duterte, sa pagsasabing hanga siya sa malawak na kakayahan ni Tolentino na akma sa Senado.

Kabilang si Tolentino sa 12 senador na nakalagay sa sample ballot na ipinamahagi ng INC sa kanilang mga miyembro.

Nagpasalamat si Tolentino sa pamunuan ng INC sa tiwala sa kanyang kakayahan na maging senador ng bansa.

Sumuporta rin kay Tolentino sina Pastor Apollo Quiboloy at ang grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Kamakailan, nakuha ni Tolentino ang suporta ng mga mayor ng lalawigan ng Cavite, Albay Gov. Joey Salceda,  at iba’t ibang lokal na opisyal ng Metro Manila.

Kabilang dito sina Manila Mayor Joseph Estrada, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque, Mayor Oca Malapitan ng Caloocan at Mayor Bobby at Maribel Eusebio ng Pasig.

Sa lalawigan, sumuporta rin sina Gov. Vic Yap ng Tarlac, Gov. Jonvic Remulla at Vice Gov. Jolo Revilla ng Cavite,  Lipa Mayor Meynardo Sabili, Mayor Norman Go ng Gerona, Tarlac, Mayor Krisel Lagman-Luistro ng Tabaco City sa Albay at Antipolo Mayor Casimiro Ynares Jr.

Sa Bicol Region, suportado si Tolentino nina Legazpi City Mayor Noel Rosal, Cong. Vic Ortega, Mayor Pablo Ortega, dating mayor Mary Jane Ortega at Malilipot, Albay Mayor Roli Volante.

“Nagpapasalamat po tayo sa kanilang suporta. Ito’y patunay lang na marami ang nagtitiwala sa ating kakayahan na makapagsilbi sa bayan bilang senador,” wika ni Tolentino.

Samantala, sa Abril 23-29 survey ng Pulso ng Pilipino, nasa 9-10 puwesto si Tolentino na may 32.1 percent.

Ang nasabing survey, na isinagawa ng Issues and Advocacy Center, ay may 1,800 respondents sa buong bansa.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *