Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pres, VP sa 2016 dapat magkaisa — Bongbong (Magkaiba man ng partido)

IGINIIT ni Vice Presidential Candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., magkaiba man ang partidong kinabibilanganan ng mananalong pangulo at bise presidente ng bansa makaraan ang Mayo 9 election, dapat ay magkaisa at magkasundo sila para sa iisang layunin na paunlarin ang bayan at iangat ang pamumuhay ng bawat Filipino.

Ngunit agad nilinaw ni Marcos, mas maganda kung iisang partido ang panggagalingan ng mana-nalong pangulo at panga-lawang Pangulo.

Ayon kay Marcos, dapat ang unahin ay interes ng mamamayan at bayan at hindi ang pamuomolitika.

“There should be partnership between the next President and the Vice President even if they don’t come from the same party. There should be a good working relationship bet-ween them in order to implement programs that will be felt by everyone,” ani Marcos.

Umaasa si Marcos, makaraan ang halaan ay isasantabi na ang politika at ang aatupagin ng mga bagong halal ay pagli-lingkod sa bawat mamamayan.

Aminado si Marcos, handa at wala siyang problemang makipagtrabaho sino mang pangulo ang manalo sakaling siya ay palarin.

“I don’t see any problem working with any of the Presidentiables because all of them are my friends and I have worked with some of them in the past,” dagdag ni Marcos.

Magugunitang sa nagdaang mga panayam at talumpati ni Marcos ay ganito ang kanyang laging nasasambit,  ”If I get elected, I can work with any of the Presidential candidates. Of course there is Senator Miriam Defensor Santiago, she is my President and I don’t see any problem working with her. Mayor Rodrigo Duterte and I have been good friends for a long time, magkasundo kami. Secretary Mar Roxas is the cousin of my wife. Vice President Jejomar Binay and I are from the North so we are natural allies and Senator Grace Poe is my sister… in government. We have worked together and we are good friends.”

Tiniyak ni Marcos, hindi siya magiging sunud-sunuran sa sino mang pangulong mananalo sakaling siya ay palarin, ngunit kung sa tingin niya ay mali at hindi para sa bayan at mamamayan, ay kanyang tututulan.

Naniniwala si Marcos, hindi lamang isang ‘spare tire’ ang isang nahalal na pangalawang pangulo kundi mayroon siyang mandato para sa bayan.

“Ang Vice President ay may sariling mandato na galing sa taong bayan kung kaya dapat din siyang magsilbi at hindi lang maghintay ng heart attack ng Pangulo,” giit ni Marcos.

 At sakaling hindi pagkalooban si Marcos ng ano mang cabinet post, tiniyak niyang maaari pa rin siyang gumawa ng mga bagay na makatutulong sa ating kababayan sa pama-magitan ng kanyang opisina at iyon ang gagawin niya kung siya ay palarin nga-yong halalan.

“Kami ay inihalal upang magsilbi at hindi para ma-molitika kaya dapat pagka-upo pa lang ay serbisyo na dapat ang asikasohin upang mas mabilis na maramdaman ng ating kababayan ang pagbabago,” pagwawakas ni Marcos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …