Friday , November 15 2024

Boto bantayan — Bongbong (Hanggang sa huling sandali)

ISANG linggo bago ang halalan sa Mayo 9, nananawagan si vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa publiko na bantayang mabuti ang kanilang boto upang matiyak na ang mananaig ay kagustuhan ng mayoryang botanteng mamamayang Filipino.

Ayon kay Marcos, dapat ay hanggang sa huling sandali ng bilangan hanggang sa iproklama ang tunay na nanalo sa ano mang posisyon ay dapat nakabantay at nakatuktok ang sambayanang Filipino upang sa ganoon ay hindi magtagumpay ang ano mang balaking mandaya.

Aminado si Marcos, malakas ang kanyang kutob na mayroong ibang mga grupo na nagbabalak na mandaya masiguro lamang na manalo ang kanilang kandidato.

Magugunitang sa nakaraang absentee voting ay ilang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) ang umangal dahil iba ang lumalabas sa resibo kompara sa tunay nilang ibinotong kandidato.

Habang ipinagtataka ni Marcos kung bakit ang kandidatong Marcos at Romualdez lamang ang botong nawawala at napapakialaman gayong marami namang kandidato.

Sa kabila nito, masaya pa rin si Marcos dahil sa natanggap niyang ulat na maganda ang resulta ng halalan ng mga OFW.

Binigyang-linaw  ni Marcos, walang sino man sa kanilang mga kumakandito ang maaaring magsabing siya ay panalo hanggang sa hindi pa tuluyang siya ay naipoproklama.

Tinukoy pa ni Marcos, kung minsan pa nga ay naiproklama na nababawi pa at natatalo pa ng kalaban.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *