Sunday , December 22 2024

Tolentino no. 9 na (Sa senatorial survey)

ISA si independent senatorial candidate Francis Tolentino sa mga tinukoy ng Issues and Advocacy Center (The Center) na malaki ang tsansang manalo bilang senador sa halalan sa Mayo.

Sa isang non-commissioned survey na ginawa ng The Center mula Abril 11-16 na may 1,800 respondents, nakakuha si Tolentino ng 33.2 percent para sa 9-10 posisyon kasama si incumbent Sen. Serge Osmena. Ang nasabing survey may 98 percent confidence level at margin of error na 2.5 percent.

Ayon sa The Center, kung ngayon gagawin ang halalan, siguradong makakukuha si Tolentino ng upuan sa Senado.

Umakyat si Tolentino ng dalawang posisyon kompara sa nakaraang survey ng The Center noong April 1-7, tabla siya sa ika-11 hanggang ika-13 puwesto.

Bukod sa Pulso ng Pilipino survey, umangat din si Tolentino sa nakaraang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa ika-14 puwesto na may 24 percent.

Ayon sa SWS, kabilang si Tolentino sa lumalaban para sa ika-8 hanggang huling puwesto sa senatorial race.

Isa sa mga nakatulong sa pag-angat ni Tolentino sa survey ang patuloy na suporta ni presidential candidate at Davao City mayor Rodrigo Duterte sa kanyang kandidatura.

“Nakikiusap ako sa inyong lahat na iboto ninyo sa Senado si Francis Tolentino,” wika ni Duterte, ang nangungunang presidentiable sa mga nakalipas na survey.

Para kay Duterte, si Tolentino ay isang disenteng tao, masipag na lider at epektibo sa kanyang tungkulin.

Isang abogado, si Tolentino ang kinikilala na nag-angat sa Tagaytay City upang maging nangungunang “tourist destination” bilang alkalde ng lungsod mula 1995-2004.

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *