Friday , November 15 2024

Duterte muling iginiit suporta kay Tolentino

MULING binigyang-diin ni presidential candidate at Davao City mayor Rodrigo Duterte ang pag-endoso kay independent senatorial bet Francis Tolentino.

“Nakikiusap ako sa inyong lahat na iboto ninyo sa Senado si Francis Tolentino,” wika ni Duterte, ang nangungunang presidentiable sa mga nakalipas na survey.

Sa mga nauna niyang pahayag, sinabi ni Duterte na kilala niya si Tolentino dahil pareho silang itinalagang mayor ng Davao at Tagaytay, ayon sa pagkakasunod, pagkatapos ng EDSA People Power Revolution.

Para kay Duterte, si Tolentino ay isang disenteng tao, masipag na lider at epektibo sa kanyang tungkulin.

Bilang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sinabi ni Duterte na ginawa niya ang lahat para mapagaan ang trapiko sa kamaynilaan at mabigyan ng ginhawa ang mga motorista at mga pasahero.

Ayon kay Tolentino, malaking tulong sa kanyang kampanya bilang independent ang endoso ni Duterte.

“Nagpapasalamat ako sa kanya kasi malaking tulong iyon,” wika ni Tolentino, na nakapasok sa Magic 12 ng Pulso ng Pilipino survey na ginawa kamakailan ng Issues and Advocacy Center .

Sa survey na ginawa mula April 1-7 na may 1,800 respondents, katabla ni Tolentino sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Martin Romualdez sa ika-11 hanggang ika-13 puwesto. Nakakuha si Tolentino ng 32 percent rating.

Umabot sa 32 percent ang nakuha niya sa National Capital Region, 37 sa Luzon, 29 sa Visayas at 29 sa Mindanao.

Bukod sa Pulso ng Pilipino survey, umangat din si Tolentino sa nakaraang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa ika-14 puwesto na may 24 percent.

Ayon sa SWS, kabilang si Tolentino sa lumalaban para sa ika-8 hanggang huling puwesto sa senatorial race.

Isang abogado, si Tolentino ang kinikilalang nag-angat sa Tagaytay City hanggang maging nangungunang “tourist destination” bilang alkalde ng lungsod mula 1995-2004.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *