Monday , March 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blue Eagles umibabaw sa Tamaraws

GINILITAN ng Ateneo Blue Eagles ang defending champion Far Eastern University Tamaraws, 1-0 nung isang araw  sa UAAP men’s football tournament sa McKinley Hill Stadium.

Dumagit ng puntos si rookie Jarvey Gayoso sa 80th minute para palakasin ang tsansa ng Ateneo na dumapo sa Final Four.

Nagkaroon ng pagkakamali ang Tamaraws keeper na si Ray Joyel at hindi ito pinalampas ni Gayoso para masungkit ang full three points para sa Blue Eagles.

Lumanding ang Blue Eagles sa fourth place kapit ang 21 points, inungusan ang University of Santo Tomas na nauwi sa 1-1 draw sa laban nila kontra Adamson University noong Sabado.

Pangalawang sunod na match na hindi naka-goal ang FEU.

Scoreless draw sa 0-0 ang laban ng FEU sa National University Bulldogs noong Huwebes.

Napigil sa 24 points ang Tamaraws na galing sa six-game winning streak bago nagkumahog sa dalawang huling laro, pero hawak pa rin nila ang liderato.

Samantala, tinuhog ng De La Salle Green Archers ang University of the East, 2-0, para masolo ang third spot tangan ang 23 points.

Mag-isa sa pangalawang puwesto ang UP habang laglag sa No. 5 ang Growling Tigers bitbit ang 19 points.

Sa women’s football, nauwi sa goalless draw ang laban ng FEU sa UST.

Nanatili ang Lady Tamaraws sa third spot na may eight points, isang puntos na abante sa No. 4 na Tigresses. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PSC Sepak Takraw

PH, Magho-host ng Kauna-unahang U19 Asian Sepak Takraw Championship

MANILA — Nakatakdang mag-host ang Pilipinas ng kauna-unahang U19 Asian Sepak Takraw Championship mula Nobyembre …

Manny Pacquiao BBM

Makasaysayang memorabilia ni Manny Pacquiao pormal na ipinagkaloob sa Philippine Sports Museum

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas — Pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang seremonyal na turnover …

PhilCycling Road Nationals

Oranza, Francisco, Monton namayagpag sa Criterium ng PhilCycling Road Nationals

PINANGUNAHAN ng mga pambansang atleta na sina Ronald Oranza at Jude Gabriel Francisco, kasama ang …

Spikers Turf Voleyball

Maigting na laban sa Spikers’ Turf Open simula na

Mga Laro Bukas (Miyerkules) 1 n.h. – Alpha Insurance vs Cabstars 3 n.h. – VNS …

MPTC Tour of Luzon 2026

P12-M papremyo, nakataya sa MPTC Tour of Luzon 2026

MPTC Tour of Luzon 2026, inilunsad sa ginanap na press conference nitong Lunes sa The …