SISIMULAN ngayong araw ng Miyerkoles, Abril 13, ang masasabing pinakamalaking fitness event sa bansa sa paglulunsad ng Milo Nutri Up Fitness Convention sa Ayala Circuit Makati na lalahukan ng mga pangunahing fitness enthusiast sa Metro Manila at maging sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa Philippine Sportswriters Association (PSA) media forum kahapon sa Shakey’s Malate, ipinaliwanag ni Milo sports executive Robbie De Vera ang magi-ging kahalagahan ng event sa kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng one-stop-shop ng fitness activities.
“Ito na ang biggest event ng fitness dahil kalahok dito ang maraming malalaking pangalan na may mga programa para rito, tulad ng Under Armour, Fitness First at pati ang Beach Volley Republic sa pangunguna nina Bea Tan at Gretchen Ho,” punto ni De Vera.
Binanggit din ng sports exec ng Milo ang ilang lalahok na mga pa-ngalan sa larangan ng palakasan na sina Keifer Ravena, Asi Tau-lava at Yohan Aguilar at ga-yon din ang ilang celebrity gaya ni Solen Heussaff.
Ayon sa isa sa mga sponsor ng event na si Chyme Piedad ng Fitness First Gear, magsasagawa sila bilang bahagi ng mga aktibidad ng fitness clinic at klase mula alas-7:00 hanggang 9:00 ng gabi bukod sa gaganapin ding events sa cycling, lifting at crosswind. Sinusugan ito ni Rochelle Vanderberghe ng FWD Insurance na nagha-yag ng culminating event na isang lift-to-move workout party na magtatanghal ang ilan sa pangunahing disc jockey ng bansa para tiyaking magiging masaya at ma-tagumpay ang Milo Nutri Up Fit Con.
Idiniin ni coach Jim Saret na matagal na ni-yang naging adhikain ang makapagtanghal ng isang event na lalahukan ng pinakamalaking bilang ng mga fitness enthusiast sa buong bansa.
“Alam nating iba-iba rin ang kinahihiligan nating fitness program—mapa-rock climbing ba ito o crossfit—ngunit karamihan sa atin ay hindi alam kung saan pupunta para hawiin ito kaya naisip naming magtatag ng ganitong event para sa lahat,” ani Saret.
ni Tracy Cabrera