Friday , May 16 2025

Pacquiao, hindi pa tapos…

HINIHIMOK ni Timothy Bradley ang Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao na lumaban pa sa kabila ng desisyon na magretiro matapos na talunin siya sa MGM Grand Arena sa Las Vegas nitong nakaraang Linggo.

“He’s far from finished,” punto ng Amerikanong boksingero makaraang pabagsakin ng dalawang beses at talunin sa unanimous decision ng Pinoy boxing icon.

“Manny (Pacquiao) shouldn’t retire” dagdag ng 32-anyos na si Bradley, na binansagan din bilang ‘Desert Storm’ dahil sa kanyang kabangisan sa ibabaw ng ring.

Hindi umubra ang battle plan na binalangkas ng bagong trainer ni Bradley na si Teddy Atlas kung kaya walang duda ang naging panalo ni Pacman.

“He was smarter than I was… I fought the best I could… I wasn’t tired but Manny was always at the right spot,” aniya.

Kung magbabalik ang People’s Champ, may posibilidad na mapalaban siya kay Saul (Canelo) Alvarez ng Mexico para sa World Boxing Council middleweight crown o kay dating World Boxing Association super lightweight champion Adrien ‘The Can Man’ Broner ng Estados Unidos.

Si Alvarez ay haharap kay ‘King’ Amir Khan ng Gran Britanya sa Mayo 7 sa bagong-bagong T-Mobile Arena sa Las Vegas din.

Sa kabilang dako, si Broner nama’y tinanggalan ng ti-tulo matapos lumampas ng kalahating libra sa kanyang timbang nang lumaban kay Ashley ‘Treasure’Theophane nitong nakaraang linggo.

Bukod sa dalawang boksingero, maaari rin mapalaban si Pacquiao sa da-ting karibal na American pound-for-pound king Floys Mayweather Jr.—kung lalabas ang huli mula sa pagretiro.

Sa panayam sa Pambansang Kamao, inamin ng kinatawan din ng lalawigan ng Sarangani na 50-50 siya sa kanyang desisyong tumigil na sa boxing.

“As of now, I’m retired.  ‘Will go home think about it,” anito.

Kung susundin naman ang opinion ng kanyang trainer na si Freddie Roach, nais umano nitong magpa-tuloy si Pacman dahil nagpakita ang kanyang alaga ng dating bilis at husay sa ibabaw ng ring.

“I would like to see him fight again,” punto ng 56-anyos na si Roach.

“Boxing is a difficult sport to quit. I think he (Pacquiao) hasn’t realized that yet. But he will soon,” prediksyon pa nito.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

PCAP Chess Champions

Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP

SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association …

Jonathan Ng Creamline Cool Smashers Rebisco

Ng, pararangalan bilang PVL Press Corps Executive of the Year

PARARANGALAN si Jonathan Ng, Vice president at CEO ng Republic Biscuit Corporation (Rebisco) Group of …

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *