Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacers pasok sa Playoffs

UMABANTE sa playoffs ang Indiana Pacers matapos tambakan ang Brooklyn Nets 129-105 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Bumanat si Myles Turner ng 28 points at 10 rebounds habang kumana si Solomon Hill ng 13 points at 12 rebounds para ilista ng Indiana ang 43-37 win-loss slate at upuan ang seventh place sa Eastern Conference.

Bumakas sina George Hill, Ian Mahinmi at Paul George ng 18, 16 at 15 markers ayon sa pagkakasunod para sa Pacers.

Umarangkada agad ang Pacers sa first quarter 17-5 at lumubo ang lamang hanggang 42 points.

May natitira pang dalawang laro ang Pacers, puwede pa silang umakyat ng puwesto.

Laglag na sa season ang Brooklyn na may 29-59 karta.

Si Sean Kilpatrick ang namuno sa puntusan para sa Nets matapos magtala ng 26 puntos  sinundan siya nina Donald Sloan at Markel Brown na may 19 at 18 markers.

Samanta, pinaluhod ng Golden State Warriors ang San Antonio Spurs, 92-86 habang pinaso ng Miami Heat ang Orlando Magic, 118-96. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …