Thursday , May 15 2025

Subido humakot ng medalya (Paralympics)

Humarbes sina national differently-abled athletes Ronald Subido at Arman Dino ng gold medals sa katatapos na 5th PSC-PhilSpada National Paralympic Games 2016 sa Markina City Sports Center.

Nilangoy ni Subido ang swimming men’s S9 50-meter at 100m freestyle gold medals para idagdag sa naunang golds nito sa 400 free at 100 butterfly events ng palaro.

“Hindi ko akalaing magiging atleta pa ako kahit putol ang kaliwang paa ko,” wika ni Subido.

Tinapatan ni Dino ang apat na golds ng kasamahan sa Team Pilipinas Paralympic na si Subido.

Nakuha ni Dino ang 100 at 400-meter dashes nakaraan.

Humataw din si Michael Mora men’s F20 javelin throw at pakyawin ang kanyang three events matapos mamayani sa shot put at discus throw sa apat na araw na laban.

Kumuha rin ng tatlong gold medals si Naomi Joy Parcia.

Si Parcia na isang bingi mula nang isilang ay incoming freshman scholar sa College of St. Benilde, natumbok nito ang women’s HI 100m breaststroke, 100 frees at 50 free. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *