PUKPUKAN ang Navy-Standard Insurance at MVP Sports Foundation pagsipa ng Luzon Leg, LBC Ronda Pilipinas 2016 umpisa sa Paseo de Sta. Rosa at matatapos sa tuktok ng Baguio City sa Abril 9.
Ipagyayabang ng Navy team sina Visayas Leg champion Ronald Oranza, Mindanao Leg winner Jan Paul Morales at Visayas Leg’s second placer Rudy Roque para makamit ang asam na sweep.
“That’s the reason we’re working and training hard, to win,” patungkol ni Navy team playing team captain Lloyd Lucien Reynante sa plano nilang sweep.
Pero magiging balakid sa Navy team ang malulupit din sa pedelan na team LBC-MVPSF sa pangunguna nina last year’s runner-up George Oconer, Rustom Lim at Ronnilan Quita.
“I’ll be looking at a better performance compared to last time,” ani skipper Oconer, tumapos ng 11th sa Visayas leg.
Sina Lim at Quita ang nagpakitang gilas sa LBC-MVPSF sa nakaraan.
Sinunggaban ni Lim ang third overall sa Stage One sa Bagom, Negros Occidental at namayani sa Stage Five sa Roxas City habang si Quita ay sumegundo kay eventual Stage Four winner Joel Calderon sa Roxas City.
Ang nasabing event ay suportado ng MVP Sports Foundation, Petron, Versa Radio-Tech 1 Corp., Maynilad at NLEX. ( ARABELA PRINCESS DAWA )