Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Villanueva binitbit ang OLLTC sa MBL

Umangas si Ivan Villanueva upang itaguyod ang Our Lady of Lourdes Technological College sa 107-91 panalo kontra Macway Travel Club sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum.

Rumatsada si 6-foot-3 Villanueva ng 34 puntos para pantayan ang dating single-game high ni  Mel Mabigat ng Jamfy-Secret Spices laban sa OLLTC-Takeshi nung nakalipas na linggo.

Nagpakitang gilas si Villanueva sa third quarter para abutan ng OLLTC ang three-point deficit nila, 49-52, sa halftime at hablutin ang manibela 86-69 papasok ng fourth period.

Kumarga si Carlo Pineda ng 18 puntos habang bumakas sina Danny Marilao, Joseph Brutas at Junrey Dumas ng 14, 11 at nine points ayon sa pagkakahilera.

Bumira si Pol Santiago ng 22 puntos para sa Macway na nakalasap ng unang kabiguan matapos ang apat na panalo.

Tumarak si Chuck Dalanon na 19 puntos, tig 11 sina Nino Marquez  at Teng Reyes  habang  10 puntos ang sinilo ni Erwin Sta. Maria para sa Macway.

Sasampa agad ang top two teams sa semifinals pagkatapos ng single-round elimination kung saan ay bibitbitin nila ang twice-to-beat bonus.

Maghaharap ang No. 3 at No. 6 teams at No. 4 at No. 5 squads sa knockout matches para sa huling dalawang semifinals tickets. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …