DUMATING ang mga boxing officials mula sa ibang bansa para daluhan ang gaganaping 54th Oriental and Pacific Boxing Federation 2016 Convention sa Negros, Occidental Bacold City.
Mga promoters, managers, referees at trainers na galing sa mga bansang miyembro ng OPBF ang humangos dito sa Pilipinas para pag-usapan ang gagawing revision ng ilan sa provisions ng rules and regulations ng OPBF.
Dadalo sa nasabing three-day event sina Games and Amusements Board chairman Juan Ramon Guanzon at World Boxing Council president Mauricio Sulaiman.
Sa unang senaryo ng convention nung nakaraang taon, nagkaroon ng malakas na feedback mula sa mga delegasyon, nabusog sa mga usaping pang-boxing ang mga bisita kaya gusto nilang maulit sa Pilipinas ang nasabing pagpupulong.
“I hope more delegates like promoters and managers this year kasi last year ang daming nagsasabing dito ulit gawin ang convention,” wika ni OPBF president Guanzon.
Magsasalita sa opening remarks si Guanzon habang si Sulaiman ang nakatoka sa welcome address bago ang revision na aabutin ng dalawang araw habang magkakaroon naman ng boxing event sa huling araw.
Ang mga bansang miyembro ng OPBF, China, Japan, Thailand, Mongolia, Hong Kong, Korea, Australia, India at New Zealand.
“Doble sana ang attendance nitong convention sa last year kasi importante ang development nito at advantage para sa mga promoters at managers,” saad ni Guanzon.
Ang mga bagong OPBF-member countries at representatives ay kikilalanin sa unang araw ng event.
Bago ang upakan ng mga boksingero sa Triple OPBF Championship na gaganapin sa Negros Occidental Multi-Purpose Activity Center (NOMPAC) sa Abril 1, magkakaroon muna ng seminar sa medical aspects. ( ARABELA PRINCESS DAWA )