Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cavs pinaulanan ng tres ang Clippers

NAGPAULAN ng three-pointers ang Cleveland Cavaliers upang kalampagin ang Los Angeles Clippers, 114-90 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Nagbaon ng 27 points, anim na rebounds at limang assists kasama ang three-of-four sa tres si basketball superstar LeBron James para tulungang ilista ang three-game winning streak ng Eastern Conference defending champion Cleveland at itarak ang 47-18 win-loss slate.

Impresibo ang nilaro ni four-time NBA MVP James at mga kakampi sa Staples Center, may 7-2 bentahe ang Cavs sa head-to-head match kontra Clippers simula 2006-07 season.

Galing din sa 12-point win ang Cleveland kontra Lakers may tatlong araw na ang nakalipas kung saan ay tumikada ang Cavs ng 16 3-pointers.

”We came out and took care of business,” ani James. ”We’re getting into form right now. We’ve got a great rotation going right now. The guys are healthy and we’re just trying to play the game the right way.”

Nag-ambag sina J.R. Smith at Kyrie Irving ng tig 17 points each habang si reserve Channing Frye ay may 15 puntos para sa Cleveland.

”Channing coming out and making those threes kind of became contagious,” wika ni Cavs coach Tyronn Lue. ”LeBron set the tone early with his pace, getting rebounds, pushing it. It wasn’t all for himself. He got the other guys involved making shots.”

May kinargang 18 3-pointers ang Cavaliers.

Si JJ Redick ang namuno sa opensa ng Clippers na may 19 points habang 17 markers ang tinulong ni point guard Chris Paul.

Samantala, dinagit ng Atlanta Hawks ang Indiana Pacers, 104-75 habang pinaluhod ng Utah Jazz ang Sacramento Kings, 108-99. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …