Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oconer, Morales bantay sarado sa Ronda

MARKADO sina George Oconer ng LBC-MVP Sports Foundation developmental team at Mindanao Leg champion Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ng kanilang mga makakatunggali sa pagsikad ng Visayas Leg ng LBC Ronda Pilipinas 2016 simula ngayong araw, Marso 11 hanggang 17.

Lalarga ang mga siklista umpisa ng Bago City at matatapos sa Roxas City.

Magbibigay din ng magandang laban ang mga Mindanao riders sa pangunguna nina Ranlen Maglantay at James Paolo Ferfas kasali rin ang siklista mula Bacolod at Iloilo.

“We’re eager to race,” wika ni Oconer na makakasama sa team LBC-MVPSF sina Ronald Lomotos, Rustom Lim, Mark Julius Bonzo at Jerry Aquino, Jr.

Kakampi naman ni Morales Navy sina skipper Lloyd Lucien Reynante at Ronald Oranza.

“The field will be much stronger here, which will make it more exciting,” wika ni LBC Ronda project director and LBC sports development head Moe Chulani.

Inorganisa ng LBC Express ang nasabing event na may basbas ng PhilCycling at suportado ng MVP Sports Foundation, Petron, Versa Radio-Tech 1 Corp., Maynilad at NLEX.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …