UMUWING luhaan si Holly Holm matapos maagaw sa kanya ang women’s bantamweight title nang padapain siya ni Miesha Tate sa fifth round ng kanilang UFC 196 sa MGM Grand Garden Arena.
Si Holm ang nagpalasap ng unang kabiguan ni Ronda Rousey noong Nobyembre 2015 at dahil sa panalo ni Tate, naging pangatlong 135-pound champion siya sa UFC history
Pukpukan sina Tate at Holm sa mga naunang rounds pero sa bandang huli ginamit ng una ang tikas niya sa ground para tagpasin ang kampeon.
“I feel like we had a great game plan,” ani Tate. “I had to be patient. She’s very dangerous.
Samantala, dalawang beses natalo si Tate kay Rousey.
( ARABELA PRINCESS DAWA )