Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maliksi PBA Player of the Week

MALAYO pa ang hahabulin ng Star Hotshots kahit nagwagi sila sa huli nilang laro, pero dahil sa magandang ipinakikitang laro ni Allein Maliksi ay posibleng makita nila ang tamang timpla sa kanilang koponan.

Kumana ng  6-of- 6 sa three-point territory si Maliksi para alisan ng signal ang Talk ‘N Text Tropang Texters 96-88 sa nakaraang laro  sa 2016 Oppo-PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kaya naman bukod sa naging best player of game pagkatapos ng laro ay tinanghal din siyang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Tumipa ang dating PBA D-League MVP Maliksi ng 29 points para ilista ang 2-4 karta ng Star.

“The guy is really working hard, being the last one to leave the gym,” patungkol ni Star rookie coach Jason Webb kay Maliksi.

Inungusan ni Maliksi sa nasabing citation sina LA Tenorio, Japeth Aguilar at Greg Slaughter na mga Barangay Ginebra San Miguel, Alaska forward Vic Manuel at San Miguel Beer slot man June Mar Fajardo.

Pinantayan ni Maliksi ang PBA record sa most three-pointers sa game, luminya si Maliksi kina Glenn Capacio, Victor Pablo at Florendo Ritualo, Jr. sa  mga retirado at aktibo pa ring sina John Wilson ng NLEX, Dondon Hontiveros ng Alaska at Simon Atkins ng Meralco.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …