Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UST sinagpang ang Bulldogs

PINULUPUTAN ng UST ang National U matapos sa ilista ang 25-14, 25-18, 17-25, 19-25, 15-12, panalo sa UAAP Season 78 women’s volleyball sa Mall of Asia Arena.

Nanakmal ng tig-21 points nina Cherry Rondina at EJ Laure upang hablutin ng Tigresses ang ikalawang sunod na panalo tungo sa 2-3 baraha.

“Mahirap talagang kalaban ang NU,” ani UST coach Kungfu Reyes.

Naungusan agad ng dalawang sets ang Lady Bulldogs, pero nanlapa ito para itabla sa 2-2 at puwersahin ang decider.

Wala sa frontline ng NU si Jaja Santiago nang mag-rally ang Tigresses mula 11-6 deficit sa decider, pero tumapos pa rin ng 23 hits.

Lumanding sa 3-2 ang Lady Bulldogs at naiwan sa no. 2 ang De La Salle (3-1).

Nasolo naman ng defending two-time champion­ Ateneo ang tuktok nang dagitin ang panlimang sunod na panalo, 25-19, 25-23, 25-16, laban sa A­damson.

Humaba na sa 23 ang winning run ng Lady Eagle­s mula pa noong finals ng Season 76.

Pinangunahan ni Alyssa Valdez ang Ateneo sa kinamadang 23 points, may nine si Amy Ahomiro at eight kay Maddie Madayag. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …