MAY isa pang lap pero malinaw na kung sino ang magkakampeon sa nagaganap na Le Tour de Filipinas.
Aksidente na lang ang maaaring makapigil kay Oleg Zemlyakov ng Kazakhstan sa asam na titulo dahil masyadong malayo sa kanya ang pagitang oras ng kanyang mga katunggali.
”Siguro aksidente na lang ang magiging sagabal kay Zemlyakov para mag-champion,” ani race comptroller Paquito Rivas, 1979 Marlboro Tour champion.
Pero ayon kay Rivas ay malabong mangyari ang aksidente dahil maganda at makinis ang daan sa paghaharurutan ng mga siklista sa Legazpi City-Legazpi City 4th & final stage kung saan ay background ang Mayon Volcano sa lungsod na kabisera ng Albay.
Ang 160.20-kilometer final stage na lang ang naghihiwalay kay Zemlyakov at sa korona ng race na hatid ng Air21 at binasbasan ng International Cycling Union at inorganisa ni Donna May Lina ng Ube Media.
Si Zemlyakov ay kasama ng 10-man, third group ng tawirin ang finish line sa oras na 3 minutes at 10 seconds sa likod ni stage winner Australian Wesley Sulzberger.
Tangan pa rin ng Kazakh ang 19-second lead kay Vino 4-Ever SKO teammate at countryman Yevgeny Gidich at 22 kay Aussie Jesse James Ewart ng 7 Eleven-Sava RBP squad.
Taas ng bahagya si Rustom Lim mula 10th pa-ninth spot sa 13:45.26 habang galing sixth ay bumaba sa seventh si Felipe Marcelo ng 7 Eleven.
Malaki ang panghihinayang ni Baler Ravina ng 7-Eleven sa kabiguang madale ang Daet-Legazpi leg dahil ang tiyempong 4:28:15 ay tersera lang lang sa likod ni Guy Kalma ng ATG (4:27:57).
“Pinilit kong kunin pero hindi ko nagawa,” anang 34-anyos na si Ravina, 2012 winner mula Asingan, Pangasinan. ( ARABELA PRINCESS DAWA )